Search This Blog
Sunday, January 22, 2006
Pinapak Ni Pacman
halos mapaos ako kagabi sa kakasigaw. niluto ko muna ang mga chibog. tilapia sa grill with ginger at yung manok na sale sa safeway. nagdala si john ng arozcaldo na niluto ng kanyang asawang si mia. thanks john and mia. sarap ng aroz mo.
alas quatro pa lang ay naguumpisa na akong mag ihaw. mga 730 ng gabi ay ayos na ang lahat at nakakain ng mabuti ang mga manonood.
eto na... nerbyosan na. relaxed ang dating ni manny at ganon din si morales. ang bilis ng mga pangyayari. halos di ako magkaugaga sa kaka-text sa utol ko sa manila tungkol sa blow by blow account ng laban. first round ay morales, second ay pacquiao. halos palitan sila ng round hanggang sa umabot sa pang anim at don ko nahalatang hawak na ni manny pacquiao ang bout na ito. at don na din ako magumpisang mapaos dahil sa matinding gilas at galing na ipinamalas ni manny. ito na ang ating bagong elorde kako. after the fight ay meron akong nakita sa tfc na nagsasalita at ang sabi'y mas mahusay pa daw ito kay flash. ganon din ang sinabi ng announcer sa tv. madalang daw ang may power punch sa kaliwa at kanang kamao kaya mahirap pigilan ang atake ni manny. sinabi pa nyang maaring si manny daw ang pinaka magaling na boxer na nanggaling sa asya.
so kahit sinasabing 'niggers of asia' tayo ay samba silang lahat. okey... china, japan, thailand etc... sabay-sabay lahat... boys 'n gels... buong mundo... bow kayong lahat.
vindication! salamat manny. hehe.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
mel, halos pareho tayo nang preparasyon sa laban ni pacman. naghanda si esmi ng beef stew, nag-order ng chicken delight si ann, nagdala ng crispy pata at pizza si pareng leandro, dinuguan si pepeng,
baked flounder sina oca at sugar, naghanda ako ng batchoy... tila ako ang haharap sa ring, tense and excited. nag warm up kami nina pepeng at bayaw nito, two hours before 9pm nabukas ng ppv, jack daniel at magic microphone. matindi etong pepeng, minsan na nu'ng nahulog ang pustiso nito sa party habang kinakanta ang "hahabol-habol", hehehe, pero hataw pa rin. the rest of the guys came a bit later. nu'ng main event na, pandemonium na ang lagay sa sala. namaos si esmi kinaumagahan. kami ni pareng leandro ang last men to call it a day. araw na nga! putsa alas 7 niya ako nilubayan while his five kids were already sleeping like sardines in the computer room. kamamatay lang ng mare kasi nung sept. salamat kay manny... nakalimot kahit paano si pare nung isang gabi:-)
say hi to pepeng. idol ko sya. isa syang pro. haha. musta rin kay jack (daniels). matalas yan si jack. gusto ko din sanang ituloy ang selebrasyon pero si miro na lang ang kaharap ko. di pa umiinom :-)
Post a Comment