Bakod lang ang pagitan ngunit malaki ang makikitang pagkakaiba. kung tutuusin ay nasa isip lang ng tao ang boundary na ito dahil ang mga isda sa pacific ocean within this border ay walang pakialam dito. labas masok sila sa guhit na di nalalaman na ito ay nandon. pero syempre lahat ng bagay nama’y nasa isip lamang.
ipinarada namin ang aming sasakyan sa may bakod inside the US. walking distance na lang ang mexico from da bakod. sa pag pasok namin sa gate ng border from the US to Mexico ay nerbyos ang aking nadama. point of no return kung sakaling magkaron ng aberiya sa re-entry. agad kong dinobol-check ang aming mga pasaporte at IDs. iniisip ko kung mangyayaring di ako makabalik ay kakayanin kong mag survive sa kabila sa dahilang ako’y lumaki sa isa ding third world country. tatlompung taon akong nabuhay sa pilipinas kaya alam ko ang mamuhay sa bansang tunay na malaya. malaya sa dahilang ang batas ay di masyadong nasusunod. ang amerika ay malaya sa salita lamang ngunit sa totoo ay hindi. propaganda lamang nito ang salitang ‘freedom.’
walang malayang tao sa US. lahat tayo dito ay may credit card at oras na meron ka nito ay alipin ka na ng utang mo. opo legal ang 5-6 dito. ang diperensya dito sa amerika ay mas malaki lamang ang iyong hawla. kumbaga ay meron kang konting playground sa loob ng iyong kulungan. siyempre maliban pa dito ang mga katarantaduhang pinaggagagawa ng ating gobyerno lalo sa pamumuno ng isang garapal na lider. pasistang bansa ang estados unidos sa tingin ko disguised as a ‘democracy.’ sa kabila ng lahat ng ito ay pinipili pa din nating tumira dito. hindi ko ninais na manirahan dito kundi’y pinadpad ako ng ihip ng hangin. kung di ako makakabalik ay paninindigan ko rin ito ngunit di ko din naman sinasabing ayaw ko dito.
ayos ang aming papeles. dala ko ang aking pasaporte, dala ni millette ang kanyang greencard, birth certificate ni miro at alam kong dala ng utol kong si El ang kanilang mga kailangan.
pagpasok namin ng gate ay may mapa. ang downtown Tijuana ay nasa kabila ng isang ilog. sa pagtawid namin ng tulay ay merong ilang namamalimos. totoong pulubi ang mga ito. di gaya sa US na ‘choice’ ang maging isang pulubi. sorry to say but it’s true. hindi ako nag bigay.
masasabi ngang mahirap ding bansa ang mexico pero kita ko na kaagad ang yaman ng kanilang kultura. matinding kultura ang bumulaga sa amin. ang kultura sa US ay hollywood, mga freeways, malls at mga paradang nag-glo-glorify sa kanilang mga dinekwat - dats about it.
ang kulay at disenyo ng mural sa bakod ay bakas ang mga batikang muralista ng mexico. ang mga paninda sa kalye, makukulay na kwintas, porselas at iba pa ay bahid ng napakatandang kultura ng mga aztecs. medjo inggit ang nadama ko dahil mas kilala ng mundo ang mexican culture kumpara sa pinoy culture. maaring pantay lang pero mas kilala ng mga tao ang sa kanila.
curiosoty ang nagtulak sa akin upang tumawid sa tijuana. sa pilipinas pa lamang ay napapag-usapan na ang pagka ‘wild’ ng tijuana. sa ilang beses kong dalaw sa utol kong taga san diego ay hanggang tanaw lamang sa akin ang kabilang side. kita kasi from san diego (imperial beach) ang tijuana.
nawala na ang aking takot oras na kami ay nasa loob na ng tijuana. nalimutan ko na. para bang kilala ko na agad ang mga tao. very familiar para sa akin siguro dahil sa ang mexico was once under spain too like the philippines so madaming similarities. madali kaming naka-relate dito mapwera sa mga dala naming strollers ng mga bata dahil napaka sosyal ng dating ng mga strollers namin. halata kaming taga kabila dahil sa dala naming strollers. para bang mercedez benz ang dating dahil wala kaming nakitang mga batang naka stroller nang kagaya sa amin. hindi naman kami nangibabaw dahil kakulay namin ang mga mexicano. di gaya ng mga pulutong ng mga puti na naglalakad sa tijuana. kakaiba ang dating nila kahit wala silang dalang strollers. malalaman mo kung bakit wala nang world champion na boxer na puti. mapuputla sila at mukang mga lampa kumpara sa mga features ng mga mexicano. ‘tough’ is da word kung ide-describe ko ang mga tao sa tijuana.
pinagmamasdan ko ang mga characters na mehikano. i have a lot of respect for them. yan ang masasabi ko. bilib ako sa bawat linya ng kanilang mga balat dahil alam kong nakuha nila ang mga bakas na yon sa bigat ng kanilang buhay. nasabi ko din ito dahil madami din akong kilalang kagaya nila sa probinsya namin sa quezon. sorry na lang sa mga puting mapuputla dahil kilala ko din sila. sa sobrang kinis ng mga balat nila ay alam kong parang balat ito ng sibuyas. iyakin. malakas lang silang manindak pero oras na harapin mo sila ay magsusumbong sa kanilang mga nanay. siyempre alam naman natin lahat kung nasaan ang kanilang galing.
naalala ko ang lucena (quezon) sa tijuana. napansin kong walang guhit ang mga kalsada. naka red ang stoplight pero derecho ang ilang sasakyan. naka green ang stoplight pero sige ang tawid ng pedestrians. katanghaliang tapat ay inaalok kami ng 99 cents na corona beer. 3 bucks ito sa mga bars sa US plus 1 dollar tip. hindi good time ang dinayo namin dito kaya tanggi kami sa alok nila. ang tequila ay okupado ang isang estante sa isang liquor store. ang daming klase! kung noong kapanahunan ko ay hindi pwedeng di ako titikim pero damatands na ang lolo nyo. mahina na ang tuhod. nilampasan ko ang mga tequila.
inaalok kami ng mga silver na kwintas. siyempre laking third world to-its kaya alam ko din ang modus operandi ng mga yan. tanong lang ng ‘quanto’ sabay alis.
una akong nakakita ng poncho sa sine ni clint eastwood. ‘the good, the bad and the ugly’ yata. pangalawa ay sa chicano na dati kong kasamahan sa trabaho. nagandahan ako sa porma ng poncho dahil siguro sa pagdadala ni clint sa kanyang cowboy movies. di ako pumayag na di bumili nito. nagmuka lang akong samurai dahil yata sa pagka singkit ng mata ko at sa pagka pandak. dissapointed ako sa hitsura ko wearing the poncho. mas bagay pa sa anak kong si miro ang poncho. see picture.
dahil nga sanay tayo sa farmers cubao at quiapo ay alam ko din ang style ng pagtawad sa pagbili at alam din naman nila ang style. itataas nila ang presyo sa una. Three dollars daw for an ordinary bracelet. pero sanay tayo sa tawaran o haggling ika nga. ‘no’ ang unang sagot ko sa alok na presyo sabay akmang tatalikod kunya’y aalis. limang hakbang lang ay nakabuntot na sa yo ang tindera o tindero at inaalok ako kung magkano daw ang gusto kong presyo. 50 cents kako. okey ika ng tindera. buy!
namamango ang mga pagkain. inihaw at iba’t ibang klase pa. maswerte sila at busog kami. isa pa ay tight ang budget namin kaya churos lang ang natikman ko. aba ay masarap pala yang churos. masarap daw lalong isawsaw sa chokolate.
kita ko si el (my utol) sumisipsip ng buko. bili rin ako kako. $2.50 daw ang isa. siyet di bale na. kulang ang budget. isa pa ay pinagbabatuhan lang namin ang buko sa quezon. dalawang mcdonald’s ang nakita namin. naisipan namin mag mcdo sa mexico pero sayang naman. ba’t di pa authentic mexican food. madami kaming nadaanan na mukang masasarap na resto at karitulak na chibog. nangangamoy! ang sarap ng amoy ngunit hindi nangyaring kumain kami dahil sa kabusugan at sa tight budget.
matapos ang almost 2 miles na lakad (tancha ko lang) ay napagod na kami at naisipan na naming bumalik.
nanumbalik ang kaba ko sa booth ng immigration. labas ang lahat ng papeles. mga 10 minutes ang lumipas bago ang aming turn. pinakita ko ang passport kong kulay asul... ‘oooh’ ika ng mayabang na immigration officer (white guy). madalas kasi ay ID lamang ang dala ng iba. iniisip nya na aba citizen pala itong pandak na ito. pareho kami ng privileges kahit inferior ako sa tingin nya. sa isang hindot na immigration officer pa lang na yon ay alam ko na ang attitude nila sa mga immigrants na kagaya ko. amnesiac kasi sila pagdating sa totoong history ng US, indians at mexico. hindi nila inaamin na hindi si christopher ang naka diskubre ng ‘amerika.’ hindi rin nila inaamin na walang gagawa ng mga dirty jobs nila kung alang immigrants. ayaw nilang aminin na ninakaw nila ang bansang ito sa mga indians at mexicans. mapili sila kung alin lamang ang bibigyan nila ng halaga. sarili lang nila.
yan po ang katotohanang nakakalungkot dito. kahit pinanganak ka dito kung ikaw ay may kulay ay second class citizen ka pa din. kaya yung mga noypits na madaming mis-perceptions ay magmuni-muni muna. e pano na kaya ang mga kagaya naming immigrants? trip-le ang effort ng mga kagaya namin to succeed in the US.
nasa loob na ako ng arena (the US) kaya tuloy ang sapalaran at laban. i’m here to prove something to myself. isa pa ay hinipan lang ako ng hangin dito kaya sa tingin ko’y meron akong ‘purpose’. binura ko na ang respeto sa mga puti. tingin ko’y kapantay ko na sila di gaya ng ako’y nasa pinas na hinihimod ng isip ko ang mga wetpaks nila. kung magaling ka sa ingles ay para bang mas matalino ka. malaking kahibangan po yon. salamat sa karanasan ko dito at nakita ko ang totoo. madami din silang kabobohan. nakakatakot nga dahil nasa kanila ang malalaking armas. delikado. ang dali kasi nilang mapraning dahil nga sa ka-ignorantehan. i now see myself as an equal and even superior most of the time with the whites but i still have some personal demons that i have to deal with.
so balik kami sa kulturang kano. shopping outlet po ang unang bubungad sa US side. syempre i cannot impose my beliefs kaya sama ang lolo nyo sa outlet. sunod-sunod ang mga tindahan ng nike, old navy at iba pa. tambay sa starbucks kahit di ako bumili ng kape. kalong ko si miro at hinayaan namin si millette mag-ikot. ang linis ng ‘amerika’ sa loob-loobin ko. kita ko ang isang ‘kano’ (meaning puti) ay nagpupulot ng basura para itapon sa basurahan.
nga pala... new year’s day ang mga pangyayaring ito.
wakas.
4 comments:
Tijuana!
And did you go to Hussong's? (Does it still even exist, wonders this ex-southern calif gal).
Anyway, I'm purty sure I got the same blue and white thingie you got over your byootiful daughter -- in larger size, of course.
cheers,
Eileen
mel,
tila ako'y sumakay ng barotong palutang-lutang at sinundan ang direksiyon ng agos, pasampay-sampay sa kung saan-saang sulok kung saan kayo'y dinala ng inyong mga marahang hakbang sa kahabaan ng kalsadang yun ng Tijuana na inyong binaybay. Ang sarili kong kaba ay pilit ko ring itinago sa
pamamagitan ng pagsipol ng "When The Saints Are Marching On". Ganyan din ako kung ako'y isang estanghero sa isang lugal.. di mapakali. Gaya ng pagta-travel na mag-isa.. sa airport.. ayokong mapapa-idlip.. minsan na akong naiwanan ng ayroplano! Lintek!
Hehehehe.. mukha ka ngang si Emperador Hirohito sa suot mong poncho... Isipin mo na lang na di si Clint Eastwood ang gusto mong gayahin kundi 'yong unang "The Magnificent Seven" na hinango din sa "The Seven Samurais".
Maganda ang bukas mo ng Bagaong Taon, Mel. Mabuhay kayong tatlo nina M & M :-)
thanks eileen, ed.
you're right ed. seven samurai na laang.
mel
i mean, cute na son
wink,
eileen
Post a Comment