desperado tayong magkaroon ng champion. kailangan nating magkaroon ng bagong inspirasyon. alam ko meron na tayong lea, efren bata at bustamante pero iba pa din ang boksing. happy na ako sa ginawa nina bata at lea pero sa tingin ko ay mas malaking inspirasyon pa para sa mga noypits kung tatalunin ni pacquiao si morales. magiging roberto duran o leonard ang status ni pacquiao kung mananalo sya. babalik ang alaala ni flash elorde. aktuwali po ay naroon na si manny pero nais ko pa ding manalo sya sa labang ito.
madami na tayong mga world champion boxers ngunit ilang defending fights lamang ay bagsak na. sa mga nababasa ko ay wala pa tayong kampyon na pumapalit sa ginawa ni elorde. maaring mali ako dahil ito'y ayon lamang sa impormasyong nasasalubong ko at di ayon sa masusing saliksik.
ang kasalukuyang estado ng ating bansa ay masasabing 'in ruins' dahil pa din sa tingin ko sa katakawan ng mga politiko at mga taong walang pakialam kundi sa sarili at pangkasulukuyan lamang. yun bang jaworski attitude sa basketball na pag nakaisa ka e ikaw yung magaling kahit nabali na ang buto ng dinaya. sa kabila ng kahibangang nangyayari sa ating bansa ay nagpapasalamat ako kay manny at di sya naapektohan ng mga katangahan ng mga namumuno sa atin. pero pansin din natin na ang trainer ni manny ay isang kano. kailangan pa natin si freddie roach - isang kano (puti) upang magkaroon ng isang tunay na kampyon.
madami pa tayong magagaling na boxers kung ang magtre-train ay gaya ni freddie roach na isang kano. so maaaring relevant pa din ang sinasabi ng 'amerika' na di natin kayang pamunuan ang ating sarili. kinakalilangan natin ng kano upang tayo ay manalo.
pero kalimutan muna natin ang mga bad trip at tutukan natin mamaya ang laban ni manny. ngayon pa lamang ay ninenerbyos na ako. manonood kami kina ate lydia sa fremont. $44.00 ang subscription sa hbo. magba-barbeque ako ng sale na manok (from safeway). 69 cents a pound lamang. binabad ko na kagabi sa mama sita's bbque sauce. ito yata ang superbowl ng mga pinoy.
nawa'y palarin tayong ma-inspire ngayong gabi. go manny!!!
No comments:
Post a Comment