Search This Blog

Thursday, January 29, 2009

Multo at Tatu

nagpreprepara ako sa pagtatatu kay ludwig sa garahe sa union city... nag aayos ng gamit.

inayos kong mabuti ang mga gamit dahil ayaw kong kaunting sanggi lang ay maglaglagan dahil maselan ang mga ito't hindi pwedeng madumihan.

may kumatok, (tik-tik sa pinto ng garahe) binuksan ko, si arnold. tropa namin na customer ko din. tatlong tatu na ang ginawa ko sa kanya. gusto lang mag hang-out habang tinatatuan ko si ludwig na tropa din nya.

matapos ang mga isang oras na bullshit ay umalis na din si arnold. naiwan kami ni ludwig. si ludwig ay nakahiga sa lamesa dahil sa binti ko gagawin si tatu. pangatlo na din itong tatu nya na ginawa ko.

gamit nya habang nakadapa sa lamesa ang computer ko habang nakikipag video chat sya sa chick nya sa pilipinas. ginagawa nya ito lagi para wag daw syang mainip.

maya-maya'y may kumatok nanaman sa pinto ng garahe. tik-tik ika. sino kaya ito kako, baka si arnold ulit at may nalimutan. binuksan ko si garahe... WALANG TAO. DENG! nagkatinginan kami ni ludwig.

tuloy ang kwento namin at hindi namin pinansin.

umupo na ako at isinusuksok ko na yung needle nang biglang may tumunog sa likod ko. para bang may sumanggi don sa lalagyan ko ng mga pangtatu. lingon agad ako sa likod, wala. baka kako luminsad lang ang lalagyan.

di eto na... ika ni ludwig habang nanlalaki ang mga mata... 'PARE, TINGNAN MO 'TO O (tinuturo yung computer), SABI NUNG KA-CHAT KO, MAY NAGLALARO DAW BATA SA LIKOD NATIN...!!!'

binasa ko ang chat box... nakalagay, 'uy sino yung batang naglalaro sa likod nyo, anak mo ba yan?'

NAAAAYYYY!!!

nanlaki ang mga mata namin ni ludwig.

pinabayaan ko na dahil mag-uumpisa na akong magtatu.

pag tingin ko sa balat ni ludwig, parang balat ng manok sa takot. tayong tayo ang mga balahibo.

haha. ako din takot.

inattach ko yung tatung ginawa ko nung gabing yon.

No comments: