Search This Blog

Tuesday, June 20, 2006

Paru-Paro

matagal ko nang ginawa ang paru-parong ito. isa sa mga una kong projects nung bago ako dito sa america. cubist ang style. nakita ito ng aking pinsan na si david sa aking website. nagustuhan nya at kinumisyon nya akong gumawa pa ng isa. i still enjoy doing these types of art. basta't tungkol sa drowing ay ayos sa akin.

ika nga ni man ray ay wala kang dapat masamang tinapay sa mga nag dro-drowing kasi never silang makasakit ng kapwa. di daw gaya ng mga engineers o arkitekto na kung pangit o mali ang design ay maaring mag result into a disaster.

ang sarap magdrowing! sana makatagpo ako ng isang bilyonaryong aampon sa akin at sa aking pamilya upang magdrowing na lang ng magdrowing habang buhay.

eto yung luma...





















at eto naman yung bago...

No comments: