Search This Blog

Tuesday, October 31, 2006

Kalabasa Ni Jose



maari nating sabihin na ang mga pumpkins o kalabasang sinasayang natin sa kaarawan ng halloween ay makakapagpakain ng mga batang naulila sa mga bansang ginegera natin. ang mga tsokolate at mga candies ay nakakasira ng mga ngipin at ang gagastusin sa pagpapaayos ng ngipin nila ay pwede ring gastusin sa biktima ng mga sakuna gaya ng bagyo.

okey lang sa pinoy ang manggaya. wag lang nating kalilimutan ang compassion natin. ito ay natural sa atin dahil tayo ay third world. kita at sanay tayo sa paghihirap. kung gagayahin natin ang kultura ng kanong ito ay wag lang nating iwanan ang ating pagkamaunawain. ito ang laman ng ating kaluluwa at sana'y wag tuluyang maglaho ng dahil sa ating bulag na panggagaya. alalahanin natin na ang kalabasa po ay gulay at hindi laruan ng mababaw na pananakot upang tayo'y wag mangamoy gaya ng sinabi ni ka jose.

TIRIK OR TIRIT!!!

Sunday, October 22, 2006

Luna, Amorsolo at Zobel

galing ako sa press opening ng exhibit ng nasabi ko sa titolo sa asian art museum sf. na inspire ako for maybe about 2 days. matapos nyan ay unti-unti syang nawawala. marahil po ay dahil na din sa matagal ko na pong idolo sina juan luna at amorsolo. Na-exhaust ko na ang impluwensya nila sa akin. ilang beses na nilang inapuyan ang aking diwa at madami na akong paintings na sila ang inspirasyon. madaming panahon na ang buong katauhan ko ay nag-aapoy ng dahil kina amorsolo at luna. sa ngayon ay ama ko pa din sila ngunit hindi na katulad ng dati. i have moved on kumbaga. sa ngayong sinusulat ko ito ay nakaplano sa isip kong mag produce ng isa hanggang tatlong piyesa ukol sa nadama ko nang makita ko ang show.

ang unang dahilan at pumunta ako sa exhibit ay syempre upang masilayan muli ang kanilang mga gawa. pangalawa ay upang magkita kami ni ms. zen lopez, glendale cultural comissioner at fellow bangger kung sino ang nagbigay ng tiket sa akin upang makapasok sa exclusive event na ito. salamat ng madami sa yo zen! pero bago ko ituloy ang kwento ay gusto ko munang linawin na diyos pa din ang tingin ko kay amorsolo.

kita ko ang hagod ni luna at sa totoo lamang ay kaya ko ding gawin ang mga hagod nya. hindi po kagaya ni amorsolo na hindi ko pa din maintindihan kung paano nya ginagawa. magpasa-hanggang ngayon ay wala pa akong nakitang kasing galing ni amorsolo. napaka natural nya. walang effort kung titingnan mo ngunit WOW... langit ang kanyang mga piyesa. isa pa po ay consistent si amorsolo. kahit titatamad sya ay makikita mo pa din ang kanyang pagka henyo. si luna ay halata ang kanyang mga mali kung tinatamad at kita ang kakulangan ng pasensya nya. pero alam ko he could have done it if he wanted to. madaming gumagaya kay amorsolo ngunit ikinalulungkot kong sabihin na wala pa ding nakakatumbas sa kanyang virtuosity. syempre pag dating sa personalidad ay malayo ang agwat nila at yang personalidad na yan ang nagpa angat kay juan luna. at yan din ang dahilan kung bakit mas mataas na diyos si luna keysa kay amorsolo para sa akin.

gaya po ng sinabi ko, i have moved on kasi hindi lang sa kanila ang pilosopiya ng art at pinili kong tahakin din ang ibang landas. hindi ko na ninais ma-achieve ang kanilang kakayanan technically dahil alam kong hindi ko magagawa ito ng biglaan. alam ko this will come in time. sa kaso po ni amorsolo ay baka sa next life ko pa bago ako ma satisfy.

laking gulat ko nang habang naghihintay ako sa labas ng museum, nahandon si don jaime zobel at dalawa pang ayalas. na istar struck ang lolo nyo. nakadama ako ng nerbyos ngunit pinilit kong magkaroon ng composure. agad sa isip ko na sila nga pala ang may pakana ng lahat ng ito. hindi ko agad na realize ito dahil hindi ko akalaing maga-attend sila sa opening.

so ngayong na mention ko na ang zobel ay dumako na tayo sa mga piyesa ni fernando zobel. marahil po at isa na ako dito ay magtataka kayo kung bakit napasama si zobel sa show na ito. syempre mare-realize agad nating lahat na ahhhh... ayala kasi ang nag sponsor ng show kaya syempre natural lang ang self promotion. wala tayong idea kung sino si fernando zobel as an artist. hindi sya kasing sikat nila juan at amorsolo. agad papasok sa isip natin na nepotism ang nangyari. maaari nga pong unfair kay botong francisco at iba pa ang nangyari. ngunit salamat sa banggaan. miyembro ako ng banggaan kung saan miyembro din ang ilang mga prominenteng artists ng ating bayan. hindi ko na sila ine-name drop kasi baka may makaligtaan akong i-mention. sa madaling salita ay inenlighten nila ako kung bakit karapat-dapat si fernando zobel sa show na ito.

according sa kanila, si zobel ay artist ng mga artist. alam nila yan dahil kilala nila si fernando zobel personally. para sa akin ay napaka laking honor na purihin ka ng mga kapwa artists. hindi kayang tumbasan ang pugay ng mga kapwa artist kaysa sa pugay ng manunulat dahil iba ang relasyon namin sa isa't-isa. mas alam ng kapwa artist ang karanasan ng kagaya nya dahil iisa ang aming landas.

tireless ang behind the scene contributions ni fernando zobel at sya ang nagpasikat sa ilang national artists natin sa paraan ng mga collaborations at promotions. ayala museum, ateneo art gallery at luz gallery ang ilan sa mga tinatag at na impluwensya ni zobel. malaking impluwensya yan dahil mula dyan ay madaming umusbong na mga prominenteng artists natin sa ngayon.

sa kabila ng lahat ng yan, kung ang pag-uusapan natin ay ang tungkol sa 'painting' lamang. masasabi ko din sa aking sarili na hindi kasing tindi ng output nina amorsolo at luna ang output ni zobel. para sa paningin ko ay hindi ganon katibay ang mga paintings nya in terms of virtuosity. hindi pa ganon ka-expert ang kanyang hagod. halata ko yan dahil alam ko ang tinutukoy nya. sa tingin ko, nagawa ni jose joya ang gusto nyang palabasin. hawak ni zobel ang idea o konsepto ngunit sa execution ay bitin.

maaring merong danger sa ginawa ng ayala dahil nagpo-promote sila ng hindi accurate na information. masasabi kong mas inuna dapat si botong francisco. para sa akin mas importante si botong francisco keysa kay zobel in terms of achievements in painting.

aktuwali po ay tinanong ko yan sa curator kung bakit di nila sinama si botong. sagot sa akin ay wala daw silang koleksyon ng botong francisco at sa kolesyon lang daw ng ayala ang karamihang nakasabit.

ang tingin kong flaw nyan ay dapat at least ay nilinaw at at least ay minention nila si botong francisco. kung idadaan sa batas ay talo ako dahil malinaw sa titolo ng exhibit... "PIONEERS OF PHILIPPINE ART" and definitely zobel was a pioneer of philippine art kaya hanggang dyan lang ako. tama nga ang sinabi ng kapwa bangger na natural lamang ang self promotion at hindi na ito kahiya-hiya sa panahon ngayon. ginawa na itong tama ni andy warhol.

inspite of everything ay dapat pasalamatan natin ang mga ayalas for bringing this exhibit here. salamat mga ser!

narito ang mga retrato. sinadya kong i-lowres ang mga ito para i-protect ang copyrights.



























Saturday, October 21, 2006

Filipinos: 100 Years In America

napasali ako dito sa exhibit na ito sa fetterly gallery. sina miro salazar at julina ng dating togonon gallery ang mga jurors. medjo nagtaka lang ako dahil walo lamang ang nag submit. siguro hindi 'prestigious' ang exhibit na ito kaya ganon. o baka ayaw lang nilang ma associate as 'pinoy artist.' isa pa siguro ay dahil sa $20.00 fee. o baka wala lang silang time. pero hindi. dahil kung sa chelsea, new york ginanap ang exhibit na ito ay tiyak ako na magkakaroon sila ng oras at pipila pa. vallejo kasi. para bang slow town ang vallejo at walang exposure.

sinalihan ko kasi malakas ang kutob ko na mapipili ang mga gawa ko. gusto ko din mapasali sa laban ng mga noypits dito sa amerika. ito lang kasi ang alam ko at di ko kayang magpanggap. ito ang kinalakihan ko at proud ako.

madami akong gustong sabihin tungkol sa mga struggles ng mga noypits kasi madalas din akong masagasaan. madaming labels na nakadikit sa akin gaya ng probinsyano, FOB, third world, outsider, dog-eater, colored, at madami pa. lahat yan ay totoo pero kung papayag ako na mababang uri nga ako dahil sa mga labels na yan ay walang mangyayari. tuloy-tuloy ang yurak na madadanasan ko.

kailangan kong itayo ang sarili kong bandila kahit gula-gulanit. dog eater nga ako pero hindi ako bulag na robot kagaya ng nakararami. alam kong ako ay madumi at di ko ito itinatago hindi kagaya nila na mga banal kuno. di nila binibilang ang pinapatay nila sa iraq pero pag nakadinig ng dog eater ay para bang nakakita ng cannibal. kasuklam-suklam ka. di nyo alam kayo yun. ang babantot n'yo! sige sambahin n'yo ang mga aso at bale walain ang mga pinagpapatay n'yong tao sa iraq. bugok din kayo kala n'yo ba? di nila kasi nakikita kung papaano katayin ang mga manok, baboy at baka na kinakain nila. akala e dumadating na lamang sa safeway na naka pakete na galing kay lord. wahaha. pare-pareho lamang tayong lahat.

ang mga piyesa ko ay galing sa point of view ng isang demonized dog-eater-adik na pinoy artist na napabarkada sa mga tambay.

mga kasama kong pinoy artists:

Carl Angel, Cristina DeGuzman, John Yoyogi Fortes, Ben Lagasca, Rick Mariani, Pearl Jones Tranter, at Ro

salamat nga pala mel orpilla for organizing this exhibit pati na din sa fetterly gallery at sa mga tauhan nito for hosting.


















Monday, October 09, 2006

Sunday, September 10, 2006

Sunday, August 13, 2006

Papan

We were walking from the WIC office in Union City when I saw this family of wild ducks (papan) resting beside a fountain. When I was in the Philippines, it was very rare for me to see this kind of creature. We hunted them to near extinction and here they are just sitting near the BART station. Kung sa atin ito, may paglalagyan yan. Adobong papan?





Vacuum Nemo

Cherries

My mom bought some cherries a few days back and noticed some siamese twins. I arranged them and took these shots...














Reflections

Some shots I took 3 weeks ago at the park two blocks away from our house.





Tuesday, August 01, 2006

England's Bomb

i met england hidalgo at the pacific bridge gallery (oakland, ca) during santiago bose's and carlos villa's workshop. that was 6 years ago. he was the only pinoy visual artist who, like me, attended santiago's manong workshop religiously. we did an installation with santiago outside the gallery where we burned everything afterwards to symbolize our sympathy to the manongs. england is also part of the punk band eskapo and dilubyo based in vallejo. we exhibited together a lot of times and we even started an art group called 'agunyas.'

he asked me to cover up one of his old tattoos that he did on himself. ofcourse i obliged and was so happy that he let me tattoo on him. his is my third tattoo. the outlines are shakey but i think i did justice on the finished art. the tattoo is black only image of a world war 2 bomb. someone asked him why a 'bomb.' i told england to answer... cause he's da bomb :-)

salamat england!






Monday, July 24, 2006

Pomona Tattoo Expo

just been to the pomona tattoo convention. i didn’t bring millette and miro because we cannot afford the hotel room so i went alone with the boys. i rode with ariel (www.gotinktattoo.com) in his pick-up truck with robert and lorena (ariel’s girlfriend). we arrived in LA at 1am friday, slept a bit then went straight to the convention. this was my third time going with ariel at tattoo conventions. i am the shop’s illustrator. i do custom artworks for ariel’s shop in san jose. i am learning a lot and i am very excited about this new direction. the art of tattooing made me love drawing again and it made me discover new things. drawing has an all new purpose for me. i‘m also fascinated about the stories darius’ and ariel’s friends were telling me. darius’ shop is also located in san jose, ca - da underground tattoo shop.

i feel liberated about doing gallery shows for now. doing gallery shows seem like pointless. it’s stupid to pursue these galleries. there are millions of artists and the pressure to stay on top is senseless so this direction does me great.

even if i’m not really tattooing yet, the feeling of seeing my designs getting tattooed is exhilarating. doing shows cannot match the feeling i get once i see my designs on somebody’s skin. imagine how i will feel when i get to the next stage which is being a tattooist.

humans are my gallery now. i had this pinoy flash about flags, suns and the philippine map and i think it’s a hit among pinoys. i cannot keep count now on how many people already had my sun/flag design. you may say these are simple designs but it’s not that. it is the attitude that these pinoys have that excites me. they are the carriers of our identity and i’m very proud that i did the designs on them to show it off.

i don’t understand filipinos who try to assimilate. you know those pinoys who are proud to be in the midst of whites. they even boast about it and it irritates me. they don’t realize that they become apes when they do this. these guys who get the sun tattoos are different. they are downright proud and screaming about their filipinoness.

the filipino sun tattoo as one of ariel’s friends told me started in prison. i’m not sure if he was right but he saw this first hand. he was in san quentin and he said lifers in that prison wear this tattoo. so i guess i started from that point. i used their symbol to make it more aesthetically appealing.

participating in these conventions is also a challenge. illustrating a piece straight from somebody’s mind in 30 to 40 minutes is a great exercise. i did this 3 days, 12 hours a day straight. jingle lang ang pahinga ika nga. it’s like a drawing marathon. it’s also good meditation.

i enjoyed hanging out with ariel and darius’ friends. they’re all hillarious specially jay and jaime. besides being funny, these guys know how to curse man. haha. i was really laughing all the way with these guys. they’re a bunch of way cool and funny people.

hey thanks guys the grrrreat weekend!

here are some pictures i took...