napasali ako dito sa exhibit na ito sa fetterly gallery. sina miro salazar at julina ng dating togonon gallery ang mga jurors. medjo nagtaka lang ako dahil walo lamang ang nag submit. siguro hindi 'prestigious' ang exhibit na ito kaya ganon. o baka ayaw lang nilang ma associate as 'pinoy artist.' isa pa siguro ay dahil sa $20.00 fee. o baka wala lang silang time. pero hindi. dahil kung sa chelsea, new york ginanap ang exhibit na ito ay tiyak ako na magkakaroon sila ng oras at pipila pa. vallejo kasi. para bang slow town ang vallejo at walang exposure.
sinalihan ko kasi malakas ang kutob ko na mapipili ang mga gawa ko. gusto ko din mapasali sa laban ng mga noypits dito sa amerika. ito lang kasi ang alam ko at di ko kayang magpanggap. ito ang kinalakihan ko at proud ako.
madami akong gustong sabihin tungkol sa mga struggles ng mga noypits kasi madalas din akong masagasaan. madaming labels na nakadikit sa akin gaya ng probinsyano, FOB, third world, outsider, dog-eater, colored, at madami pa. lahat yan ay totoo pero kung papayag ako na mababang uri nga ako dahil sa mga labels na yan ay walang mangyayari. tuloy-tuloy ang yurak na madadanasan ko.
kailangan kong itayo ang sarili kong bandila kahit gula-gulanit. dog eater nga ako pero hindi ako bulag na robot kagaya ng nakararami. alam kong ako ay madumi at di ko ito itinatago hindi kagaya nila na mga banal kuno. di nila binibilang ang pinapatay nila sa iraq pero pag nakadinig ng dog eater ay para bang nakakita ng cannibal. kasuklam-suklam ka. di nyo alam kayo yun. ang babantot n'yo! sige sambahin n'yo ang mga aso at bale walain ang mga pinagpapatay n'yong tao sa iraq. bugok din kayo kala n'yo ba? di nila kasi nakikita kung papaano katayin ang mga manok, baboy at baka na kinakain nila. akala e dumadating na lamang sa safeway na naka pakete na galing kay lord. wahaha. pare-pareho lamang tayong lahat.
ang mga piyesa ko ay galing sa point of view ng isang demonized dog-eater-adik na pinoy artist na napabarkada sa mga tambay.
mga kasama kong pinoy artists:
Carl Angel, Cristina DeGuzman, John Yoyogi Fortes, Ben Lagasca, Rick Mariani, Pearl Jones Tranter, at Ro
salamat nga pala mel orpilla for organizing this exhibit pati na din sa fetterly gallery at sa mga tauhan nito for hosting.
No comments:
Post a Comment