Search This Blog

Sunday, October 22, 2006

Luna, Amorsolo at Zobel

galing ako sa press opening ng exhibit ng nasabi ko sa titolo sa asian art museum sf. na inspire ako for maybe about 2 days. matapos nyan ay unti-unti syang nawawala. marahil po ay dahil na din sa matagal ko na pong idolo sina juan luna at amorsolo. Na-exhaust ko na ang impluwensya nila sa akin. ilang beses na nilang inapuyan ang aking diwa at madami na akong paintings na sila ang inspirasyon. madaming panahon na ang buong katauhan ko ay nag-aapoy ng dahil kina amorsolo at luna. sa ngayon ay ama ko pa din sila ngunit hindi na katulad ng dati. i have moved on kumbaga. sa ngayong sinusulat ko ito ay nakaplano sa isip kong mag produce ng isa hanggang tatlong piyesa ukol sa nadama ko nang makita ko ang show.

ang unang dahilan at pumunta ako sa exhibit ay syempre upang masilayan muli ang kanilang mga gawa. pangalawa ay upang magkita kami ni ms. zen lopez, glendale cultural comissioner at fellow bangger kung sino ang nagbigay ng tiket sa akin upang makapasok sa exclusive event na ito. salamat ng madami sa yo zen! pero bago ko ituloy ang kwento ay gusto ko munang linawin na diyos pa din ang tingin ko kay amorsolo.

kita ko ang hagod ni luna at sa totoo lamang ay kaya ko ding gawin ang mga hagod nya. hindi po kagaya ni amorsolo na hindi ko pa din maintindihan kung paano nya ginagawa. magpasa-hanggang ngayon ay wala pa akong nakitang kasing galing ni amorsolo. napaka natural nya. walang effort kung titingnan mo ngunit WOW... langit ang kanyang mga piyesa. isa pa po ay consistent si amorsolo. kahit titatamad sya ay makikita mo pa din ang kanyang pagka henyo. si luna ay halata ang kanyang mga mali kung tinatamad at kita ang kakulangan ng pasensya nya. pero alam ko he could have done it if he wanted to. madaming gumagaya kay amorsolo ngunit ikinalulungkot kong sabihin na wala pa ding nakakatumbas sa kanyang virtuosity. syempre pag dating sa personalidad ay malayo ang agwat nila at yang personalidad na yan ang nagpa angat kay juan luna. at yan din ang dahilan kung bakit mas mataas na diyos si luna keysa kay amorsolo para sa akin.

gaya po ng sinabi ko, i have moved on kasi hindi lang sa kanila ang pilosopiya ng art at pinili kong tahakin din ang ibang landas. hindi ko na ninais ma-achieve ang kanilang kakayanan technically dahil alam kong hindi ko magagawa ito ng biglaan. alam ko this will come in time. sa kaso po ni amorsolo ay baka sa next life ko pa bago ako ma satisfy.

laking gulat ko nang habang naghihintay ako sa labas ng museum, nahandon si don jaime zobel at dalawa pang ayalas. na istar struck ang lolo nyo. nakadama ako ng nerbyos ngunit pinilit kong magkaroon ng composure. agad sa isip ko na sila nga pala ang may pakana ng lahat ng ito. hindi ko agad na realize ito dahil hindi ko akalaing maga-attend sila sa opening.

so ngayong na mention ko na ang zobel ay dumako na tayo sa mga piyesa ni fernando zobel. marahil po at isa na ako dito ay magtataka kayo kung bakit napasama si zobel sa show na ito. syempre mare-realize agad nating lahat na ahhhh... ayala kasi ang nag sponsor ng show kaya syempre natural lang ang self promotion. wala tayong idea kung sino si fernando zobel as an artist. hindi sya kasing sikat nila juan at amorsolo. agad papasok sa isip natin na nepotism ang nangyari. maaari nga pong unfair kay botong francisco at iba pa ang nangyari. ngunit salamat sa banggaan. miyembro ako ng banggaan kung saan miyembro din ang ilang mga prominenteng artists ng ating bayan. hindi ko na sila ine-name drop kasi baka may makaligtaan akong i-mention. sa madaling salita ay inenlighten nila ako kung bakit karapat-dapat si fernando zobel sa show na ito.

according sa kanila, si zobel ay artist ng mga artist. alam nila yan dahil kilala nila si fernando zobel personally. para sa akin ay napaka laking honor na purihin ka ng mga kapwa artists. hindi kayang tumbasan ang pugay ng mga kapwa artist kaysa sa pugay ng manunulat dahil iba ang relasyon namin sa isa't-isa. mas alam ng kapwa artist ang karanasan ng kagaya nya dahil iisa ang aming landas.

tireless ang behind the scene contributions ni fernando zobel at sya ang nagpasikat sa ilang national artists natin sa paraan ng mga collaborations at promotions. ayala museum, ateneo art gallery at luz gallery ang ilan sa mga tinatag at na impluwensya ni zobel. malaking impluwensya yan dahil mula dyan ay madaming umusbong na mga prominenteng artists natin sa ngayon.

sa kabila ng lahat ng yan, kung ang pag-uusapan natin ay ang tungkol sa 'painting' lamang. masasabi ko din sa aking sarili na hindi kasing tindi ng output nina amorsolo at luna ang output ni zobel. para sa paningin ko ay hindi ganon katibay ang mga paintings nya in terms of virtuosity. hindi pa ganon ka-expert ang kanyang hagod. halata ko yan dahil alam ko ang tinutukoy nya. sa tingin ko, nagawa ni jose joya ang gusto nyang palabasin. hawak ni zobel ang idea o konsepto ngunit sa execution ay bitin.

maaring merong danger sa ginawa ng ayala dahil nagpo-promote sila ng hindi accurate na information. masasabi kong mas inuna dapat si botong francisco. para sa akin mas importante si botong francisco keysa kay zobel in terms of achievements in painting.

aktuwali po ay tinanong ko yan sa curator kung bakit di nila sinama si botong. sagot sa akin ay wala daw silang koleksyon ng botong francisco at sa kolesyon lang daw ng ayala ang karamihang nakasabit.

ang tingin kong flaw nyan ay dapat at least ay nilinaw at at least ay minention nila si botong francisco. kung idadaan sa batas ay talo ako dahil malinaw sa titolo ng exhibit... "PIONEERS OF PHILIPPINE ART" and definitely zobel was a pioneer of philippine art kaya hanggang dyan lang ako. tama nga ang sinabi ng kapwa bangger na natural lamang ang self promotion at hindi na ito kahiya-hiya sa panahon ngayon. ginawa na itong tama ni andy warhol.

inspite of everything ay dapat pasalamatan natin ang mga ayalas for bringing this exhibit here. salamat mga ser!

narito ang mga retrato. sinadya kong i-lowres ang mga ito para i-protect ang copyrights.



























No comments: