Search This Blog

Saturday, February 17, 2007

The F.O.B. four

nagkita-kita kami ng grupo last saturday sa bahay ni england sa oakland. meron kaming art exhibit na pinapakana na kinu-curate ni lian ladia. alam n'yo kasi ang statement naming mga pintor ay ang aming mga paintings na. kaya nagtataka ako kung bakit hinihingan pa kami ng statement ng mga galleries.

kung hihingan ako ng statement e ba't pa ako nagpinta. kaya nga ako nagpinta ay para nga iwasan ang mga pambobola. yun na ang statement ko. pero naiintindihan ko naman yan. nais ko lamang idiin ang point.



handicap naming mga artis yang magsulat lalu na kaming mga FOBs. di tayo masyadong magaling mag rambol ng mga salitang ingles. if a picture is worth a thousand words, how can you explain a painting in a few sentences? ang isang piyesa ko ay nanggaling sa kaibuturan ng aking diwa at karanasan tapos papa explain nila sa isang paragraph? that's bull. imposible. pero alam ko ganun talaga ang buhay lalo na dito sa america. madaming bullshitan kaya kailangang sumakay lang.

yan ang dahilan kung bakit di namin mai-curate ang sarili. ayaw ko ng bullshit. gusto ko aksyon na. wala akong panahon sa paligoy-ligoy. maiksi lang ang buhay boys en gels kaya wag nating sayangin ang oras sa bulshet. maaring kung sa tagalog gagawin ay mas mae-express ko ang sarili pero hindi kaya pasalamat ako kay lian sa abala. tenks lian!

the F.O.B. four:
england hidalgo - john lennon
mel vera cruz - george harisson
carlo ricafort - paul mcartney
marcius noceda - ringo starr

haha. katuwaan lang.

but we're serious. meron kaming website. eto:

http://www.sitekreator.com/curatorialprojects/main_page.html

1 comment:

bjanepr said...

now, if only i could read this blogpost without struggling. anyway, so i am bringing tanduay to ogie's this friday.

and that's england? i don't remember him looking like that.