Search This Blog

Saturday, July 08, 2006

4th of July

labing isang taon na ako sa amerika pero ayaw pa ding tanggapin ng katauhan ko ang holiday nilang ito dahil tuwing sasapit itong holiday nilang ito ay nakukumpirma ang pagkaka-nakaw at paglimot sa totoong kwento ng lupaing ito. independence day nila sa mga kapwa nila puti sa britain. paano yung mga indians na pinagpapatay nila. nasan ang kwento nila? wala bang holiday sa pag alala sa pagpaslang nila sa naunang may ari ng lupang ito?

ang mga indians ay parang pinoy din. kakulay natin sila. tayo ay itinuring ding indians at pinagplanuhan din nilang i-massacre at ubusin. mabababang uri tayo at walang karapatan sa tingin nila. salamat kina rizal na may lahing indio at di tuluyang nasakop ang ating lahi.

para sa mga naniniwala sa kaarawang ito. mag-isip pong mabuti dahil kayo ay nalinlang na. wag nyo din pong kalimutan ang tunay na kwento ng lupang ito. ang mga indians ay di nila binigyan ng pagkakataong maging independent sa sarili nilang lupa.

ang 'freedom' po ay sa kanila lang at hindi sa mga salungat sa ideas nila. so don't get carried away by their ignorant smile.

ang july 4 ay para lamang sa mga nag-implement nito, para sa mga bulag at ignorante.

No comments: