Search This Blog

Tuesday, February 28, 2006

Ibon Head

took these shots months ago. This is a head of a bird being devoured or should i say being recycled by ants - our natural cleaner.





Sunday, February 26, 2006

Kasaysayan Ni Apol

sa panaon, unisan, quezon ako lumaki at isa si poling o apol sa mga una kong kalaro. abot kami with some other friends sa lahat ng sulok ng gubat ng panaon sa paglalaro ng baril-barilan, estukadahan at kung anu-ano pa. hindi si poling artist pero sa tingin ko ay nagbigay sya sa akin ng di pangkaraniwang takbo ng pagi-isip.

una akong namangha sa kanya ng lumambitin sya sa isang sanga ng mangga sa likuran ng bahay namin at nag loop sya ng 360 degrees sabay talon una ang paa sa lupa. nanlaki ang mata ko noon sa pagkamangha. grade 1 pa lang kami noon. 7 years old sya ako ay six. agad kong tinawag ang iba pa naming tropa para ipakita ang di pangkaraniwang abilidad ni apol. dumating ang ilan, si jaime velasco at si nestor cabana. inulit ni apol ang kanyang ginawa kaya mula non ay myembro na kami ng fan club ni apol.







madami pang mga milagrong ginagawa si apol. madalas syang manalo sa kara y cruz at iba pang sugal. sa kaha, libo-libong lastiko na nakabalabal sa leeg nya pagka panalo. wow. buntot lagi kay apol ang mga bata. kasama ako dun. pero madalas ay di tumatagal ng ilang oras ay ubos na muli ang kanyang napanalunan. natalo nang muli.

alam nyo sa ‘hood’ namin ay walang batas. natural law laang ang nage-exist sa amin. kung mang-apid ka ay natural laang na may mang-a-apid rin sa ‘yo. isang barrio ang panaon na malayo sa bayan. sa bayan ng unisan may pulis pero sa barrio namin ay alaws kaya kahit seven years old ka ay pwede kang magsugal. ang ‘respect’ sa panaon ay nae-earn dipende sa pagkatao mo. tinawag kong ‘hood’ ang barrio namin dahil sa mga namamalas kong kwento ngayon tungkol sa kultura ng hip hop. di nalalayo ang buhay sa baryo namin. madami akong tropa na maitutumbas ang kilos, kaugalian at buhay kina snoop dog, 50 cent at iba pa. natatawa nga ako minsan dahil nakikita ko ang tropa ko sa kanila. parallel kung baga.

malaking lungkot ko nang mabalitaan kong nag istokwa si poling. kung di ako nagkakamali ay grade six kami nang maglayas yang si apol. taon ang binilang bago kami magkita muli. madami syang mabubulaklak na kwento tungkol sa kanyang paglalayas. napaka alien sa akin n’yang maglayas at sa murang edad ay ginawa na nya ito. matindi! - yan ang tingin ko. hanggang sa mag-binata kami ay best friend ko si apol. walang araw tuwing bakasyon na hindi kami naka tambay sa bahay nilang barong-barong sa tapat namin. tuwing gabi ay syempre - isang ipit na lambanog ang tinutumba namin kahit sipol lang ang pulutan.

lumilipas ang panahon ay tuloy ang rak en rol namin. hindi nagbabago ang style ni apol. malapit sya sa dark side. never syang nag drugs sa kabila ng kung anu-anong tinitira namin. downers, uppers, alcohol. titirahin namin kung anong mahagilap. ang pagkalapit nya sa dark side ay naiiba. mas serious kumbaga. ang ambisyon nya ay magtayo ng organized crime organization. kita ko ang mga plano nya dahil nang kami’y mga binata ay nagre-recruit na sya ng mga loyalists na mga bagets na pabuntot-buntot sa amin. kasama namin ang mga batang ito kahit saan kami magpunta. sa beach, sa ligawan, sa inuman at iba pa. ginagawa namin silang taga takbo o errand runners. masaya na ang mga batang makasama kami dahil lahat ng chibog namin ay chibog din nila.



isa sa madaming mga main events sa buhay ni apol ay nang sya ay ma-bust sa kasong armed robbery, carnap at frustrated homicide. nagtrabaho sya sa isang businessman sa maynila. sa madaling salita ay inakyat-bahay nya kasama ang ilang di ko kilalang kalalakihan ang pinagtratrabahuhan nya. inside job ang sabi ng mga parak.

ilang beses ko na ding pinayuhan si apol na kung papasok sya sa mga gawaing ganyan ay piliin na nya ang side ng gobyerno. ayaw nya. sa tingin ko ay hindi sya mali dahil sa nakikita ko sa ngayon ay di mo na malaman kung sino talaga ang mga gangsters - pulis ba o sibilyan. obvious na mga pulis din ang nagpapatakbo ng mga sindikato.

hindi natuloy ang pagpaslang nila sa nilooban nila sa di ko alam na dahilan. nagkagulo ang plano ng grupo nya at nagkahiwalay.

una nya akong tinawagan noon upang ibenta ang sasakyang kinarnap nila. ala naman akong idea sa mga pangyayari at isa pa ay wala naman akong pambili kaya tinawagan nya ang isang tropa pa namin. ngunit di naglaon ay nabasyo sya sa di ko na din matandaang dahilan.

isang buwan syang nakapiit sa quezon city jail sa may kamuning. dusa ang mga magulang ni apol. napabenta tuloy ang kanilang barong-barong para sa pyansa. ilang beses ko din dinalaw si apol sa loob ng kulungan. isang beses pa ay muntik na akong di makalabas dahil sa katangahan ko. nalimutan kong may nakasingit nga pala sa wallet kong dalawang joints ng damo. maalala ko ay nasa may check point na kami sa may pintuan ng kalabusan. ang tanga ko sa loob-loobin ko. mabuti na laang dahil siguro sa muka kong inosente at hindi na chinek ng bantay ang wallet ko. siyet!



malaki ang nagagawa ng dalaw kay apol dahil malalaman ng mga les-pu na may kapamilya ang inmate at isang dahilan ito para di ka ma salvage. uso kasi ang salvage noon.

nakalabas din si apol after 1 month dahil nga sa pyansa ngunit tuloy ang kaso. hindi rin naglaon ay nawala ang kaso dahil hindi na sumusipot ang nagsampa nito sa trials. hindi nagbago si apol bagkus ay parang nagkaroon pa sya ng badge dahil sa karanasan nyang ito. na people’s journal pa sila at pinakita sa tv patrol ang nangyari.




sa kabila ng lahat ay masaya pa din kasama si apol. tawanan at kulitan pa din pag nagsasama-sama kami. madaming nagpapayo sa akin na iwasan ko sya pero paano ka iiwas sa tao na anim na taon pa laang kayo ay kasama mo na.

sikat ang apol nang umuwi ng panaon. alam ng lahat ang nangyari. na-earn ni apol ang respect na matagal na nyang hinahanap. nagkaroon sya ng notoriety dahil sa kanyang dinanas.

ang gulo sa panaon ay madalas ay family feud. ubusan ng lahi kumbaga na very common sa lahat ng sulok ng pilipinas at sa tingin ko’y hindi lang. ilang pamilya ang involved sa away na ito. ang pinakang siga ay siyang namumuno sa dahilang sya ang pinaka madaming napatay at siya ang may kayang lumantad ng harapan. di sya nagtatago bagkus ay sya ang sumusugod. mang taling ang pangalan nya. kung di ako nagkakamali ay apat ang naitumba nya at ang isa ay pinsan pa nya.

napatay si mang taling sa estasyon ng tren sa lucena. binaril sya ng shotgun sa likod. ang pumatay sa kanya ay isang ding taga panaon na nakaaway ng anak ni mang taling tungkol sa utang sa sabong. kulambo kung sya’y tawagin. tinaga ni zaldy (anak ni mang taling) si kulambo ngunit di napuruhan. ilang beses sinubukang patayin ni mang taling si kulambo ngunit merong sa palos si kulambo. nangyari nga ang kanyang kinatatakutan ng matiempohan sya ni kulambo sa estasyon ng tren sa lucena. isang bala ng shotgun ang sumabog sa kanyang dibdib at si kulambo ang may kagagawan nito.



dito pumasok ang apol sa kwento. tropa namin si zaldy na anak ni mang taling. nagkaron ng conspiracy ang apol at zaldy para mahuli ang kulambo. nag ennact ng fake na away ang dalawa. may sugat pa kunyari ang apol sa kamay sa pagsangga ng itak-itakan ni zaldy. sa mata ng mga mamamayan ay invovled na ang apol sa family feud at nasa side sya ni kulambo.

kinupkop ng kulambo si apol sa kanyang hideout sa pasig sa buong akala na nagtatago si apol sa mga naiwang pamilya ni mang taling. alang kamalay-malay ang kulambo sa conspiracy against him. timbog ang kulambo ng pulis ng pasig ng maisuplong sya ni apol. natransfer si kulambo sa lucena city jail kung saan sya nag serve ng sintensya. nabalitaan naming nakatakas sya ngunit ibang kwento na ito.

kudos nanaman ang tinanggap ng apol sa kanyang ginawa. lahat kami ay sangayon na di muna dapat umuwi ng panaon si apol. ngunit sa di ko alam na dahilan ay nagpakita pa din sya sa probinsya namin. nais nya sigurong malasap ang tagumpay ng kanyang ginawa kaya sya bumalik.

di eto na... inuman sa tapat ng riles sa may train station ng panaon. alex parafina. isa ding tropa ngunit kakampi ng kalabang pamilya ng taling.

kaharap ang apol sa inuman kasama ang isa pang best friend namin na nagngangalang nono. si nono ay isang napaka loyal na kaibigan ng apol. he’s apol’s right hand man. madami ding kwento ang buhay ni nono pero sobrang haba kaya sa susunod na laang.





walang nagawa ang nono ng biglang sumulpot ang alex parafina dala ang patalim sabay tusok sa may kaliwang kili-kili ni apol. tumama ang patalim sa kaliwang braso ni apol. tumagos ito hanggang kili-kili, sa dibdib abot sa may puso. dumampot ng bato ang nono dahil ala syang dala. binato nya ang alex ngunit alang epekto ito. hindi nasapol ang puso ni apol ngunit nagkaroon ng hemorage sa kapabayaan ng mga doktor sa isang ospital sa lucena. dala ito ng kahirapan. di ka aasikasuhin masyado sa ospital kung alam nilang wala kang pambayad. tinawagan ako ng pamilya ni apol upang magpatulong mapa-transfer sa mas mabuting ospital ngunit huli na ang lahat. pumanaw si apol after 3 days sa ospital.

24 years old sya nang bawian ng buhay. di ko malaman ang pakiramdam ko noon. lito, galit, excitement, nerbyos... halo-halo. alam kong napaka inosente ko noon ngunit nawala after mangyari ito. natuklasan ko at ng ibang tropa kung gaano kaseryoso ang kanyang ginawa. sa murang edad ay napakadaming nangyari. fast lane ang linya ni apol. di sya humihinto hanggang sa huling hininga. sa burol at libing na lang kami nagkita ni apol. kausong ako sa kanyang kabaong habang dinadala patungong sementeryo. blangko ang isip ko noon.

maganda din in a way na maaga syang umalis dahil kung hindi ay malamang na damay ako sa lahat pang mga papasukan ni apol. paano mo ba naman iiwasan ang taong kalaro mo ng mga bata pa kayo, kabarkada ng mga binata kayo at kasama mo sa lahat ng mga kalokohan dala ng isip n’yong bata? para sa akin ay maikukumpara ang buhay ni apol kina hendrix, james dean at iba pang kagaya nila. better to burn out than to fade away ika nga.

Wednesday, February 15, 2006

People At The Tattoo Shop

caricatures of my teachers at the tattoo shop - billy, ariel and robert.





Tuesday, February 14, 2006

Saturday, February 11, 2006

Blue Bird

i found this blue bird dead in our backyard last tuesday. i always wondered where the birds bury their dead. do they have a bird cemetery? i haven't had the time to research the name of this bird so he'll be just like the iraq native casualty - no name, no number.

i know this bird because i always see it outside. i was observing the sounds it was making and i know it makes like hundreds of different sounds. i believe they have their own language. i assumed it was a natural death because i didn't see any wounds.

i placed him under the apple tree after. when i came back i noticed another bird singing or was it crying? you know we always identify birds' chirps as music but i know this bird wasn't singing. it was mourning this unindentified blue bird.



Friday, February 10, 2006

Wacom Pad

woohoo! i'm happy.

i just fixed my wacom pad. i upgraded to tiger OS two days ago after months of hesitation. i hate doing operating system upgrades because i know there will always be problems. the first thing that went nuts after upgrading was my wacom pad.

AAAAAAHHHH!!!

i love my wacom. my wacom tablet is my life and this upgrade almost ruined my life. after 2 days of research, driver updates... boom! i got it to work. the answer came from the wacom website but it took me a while to find it.

i congratulate myself. i'm alive again :-)

now i should be ready for more fuck-ups...

Thursday, January 26, 2006

FREE!

i read the letters to the editor section of the chronicle and found this headline: ‘freedom isn’t free... you need to sacrifice.’

this is weird because i know the meaning of the word. free is free and nothing more. if you add something before or after this word the meaning should be different.

so i immediately searched the meaning of the word ‘free’ in the merriam-webster online. i was shocked at first but instantly realized and just shrugged because it’s already normal at how they manipulate the meaning of words. i find it funny and stupid that almost everybody fall for this crap. funny because people think that they really are free and stupid because we kill people for this word.

it is amusing to me how the word ‘free’ affects us. it makes us happy to see it in ads and it has the same effect when it is fed to us through the media. it’s like the magic word. it’s scary because the merriam-webster dictionary made it ‘official’ when they defined it.

i wasn’t convinced by their ‘official’ definition so i also searched the meaning in a tagalog-english and a spanish-english dictionary online. i saw how the american dictionary went a long way (too long) to define the word compared to the other two languages.

so please people... accept your fates. it is true that nothing and nobody is free in america. you ain’t free fools!

if you have no worries searching for the word ‘bomb’ in yahoo then you have the right to disagree.




Wednesday, January 25, 2006

Legend On My Tshirt



alam nyo ay matagal ko nang idol ang juan dela cruz band. kombinasyon sila ng black sabbath at led zep pero ginawa nilang pinoy. di ko inabot nang unang magkakasama sila pero nang magkaisip ako ay una silang pumasok sa aking consciousness.

mabigat ang bagsakan ng bandang ito at sa aking puso ay kabilang sila sa mga sinasamba nating banda gaya ng stones at yun nga, led zepellin. peyborit ko si pepe pero syempre di pahuhuli si wally gonzales. masasabi kong napaka tamis ng mga melodies ng kanyang gibson guitar.

nang ilabas nya ang kanyang solo album ay napanganga ako sa wally’s blues. waw kako! dinala ako sa ulap ng komposisyon nyang ito. tumatak sa isip ko ang kanta at hanggang ngayon ay all time favorite ko ang wally’s blues. ito ang isa sa dahilan kung bakit dumampot din ako ng gitara at ginawang hobby ito. kaya naman po laking tuwa ko ng suotin ni wally ang isa sa mga hand painted shirts ko.

nasa australia po si wally with paolo santos kung saan meron silang gig. nagkataon naman na malaki kay edd aragon (http://edd-aragon.com/) ang inorder n’yang tshirt sa akin. ka-member ko po si edd sa banggaan. si edd po ay isang batikang dibuhista sa sydney. sa kanya rin po ang mga paintings sa background. isa po si edd sa nag-asikaso kay wally sa australia.

according to edd, nang makita ni wally gonzales ang tshirt ay nagustuhan nya ito kaya minabuti ni edd na ibigay na lang ang t-shirt kay wally. the t-shirt might be worthy but not me. haha.

nag cross na rin po ang landas namin ni wally. nalungkot ako nang matagal syang nawala sa scene kaya naman ng umuwi ako at nabalitaan kong nagbalik na si wally ay agad akong dumalo sa gig nya. nagsabi ako sa waiter kung saan sya tutugtog kung pwedeng kunan ng bidjo si wally. di raw pwede sabi ng waiter kaya laking gulat ko nang si wally mismo ang lumapit sa akin at pinayagan akong kunan sya ng bidjo. nakatabi po ang film ko ng wally’s blues - live! salamat wally. at edd :-)

Monday, January 23, 2006

Slimy Snail

i took a picture of this innocent looking snail. the closer i focused, my mind started drifting on something else. i just read a zen book saying that the more a person is deprived of sex the more he/she craves it. i also read in a friend’s t-shirt - there’s really nothing exciting about sex unless you’re not getting it. these quotes may be true but it may also be like food. once you’re done eating you get hungry again.







Sunday, January 22, 2006

Pinapak Ni Pacman



halos mapaos ako kagabi sa kakasigaw. niluto ko muna ang mga chibog. tilapia sa grill with ginger at yung manok na sale sa safeway. nagdala si john ng arozcaldo na niluto ng kanyang asawang si mia. thanks john and mia. sarap ng aroz mo.

alas quatro pa lang ay naguumpisa na akong mag ihaw. mga 730 ng gabi ay ayos na ang lahat at nakakain ng mabuti ang mga manonood.

eto na... nerbyosan na. relaxed ang dating ni manny at ganon din si morales. ang bilis ng mga pangyayari. halos di ako magkaugaga sa kaka-text sa utol ko sa manila tungkol sa blow by blow account ng laban. first round ay morales, second ay pacquiao. halos palitan sila ng round hanggang sa umabot sa pang anim at don ko nahalatang hawak na ni manny pacquiao ang bout na ito. at don na din ako magumpisang mapaos dahil sa matinding gilas at galing na ipinamalas ni manny. ito na ang ating bagong elorde kako. after the fight ay meron akong nakita sa tfc na nagsasalita at ang sabi'y mas mahusay pa daw ito kay flash. ganon din ang sinabi ng announcer sa tv. madalang daw ang may power punch sa kaliwa at kanang kamao kaya mahirap pigilan ang atake ni manny. sinabi pa nyang maaring si manny daw ang pinaka magaling na boxer na nanggaling sa asya.

so kahit sinasabing 'niggers of asia' tayo ay samba silang lahat. okey... china, japan, thailand etc... sabay-sabay lahat... boys 'n gels... buong mundo... bow kayong lahat.

vindication! salamat manny. hehe.

Saturday, January 21, 2006

Pacquiawan Na!

desperado tayong magkaroon ng champion. kailangan nating magkaroon ng bagong inspirasyon. alam ko meron na tayong lea, efren bata at bustamante pero iba pa din ang boksing. happy na ako sa ginawa nina bata at lea pero sa tingin ko ay mas malaking inspirasyon pa para sa mga noypits kung tatalunin ni pacquiao si morales. magiging roberto duran o leonard ang status ni pacquiao kung mananalo sya. babalik ang alaala ni flash elorde. aktuwali po ay naroon na si manny pero nais ko pa ding manalo sya sa labang ito.

madami na tayong mga world champion boxers ngunit ilang defending fights lamang ay bagsak na. sa mga nababasa ko ay wala pa tayong kampyon na pumapalit sa ginawa ni elorde. maaring mali ako dahil ito'y ayon lamang sa impormasyong nasasalubong ko at di ayon sa masusing saliksik.

ang kasalukuyang estado ng ating bansa ay masasabing 'in ruins' dahil pa din sa tingin ko sa katakawan ng mga politiko at mga taong walang pakialam kundi sa sarili at pangkasulukuyan lamang. yun bang jaworski attitude sa basketball na pag nakaisa ka e ikaw yung magaling kahit nabali na ang buto ng dinaya. sa kabila ng kahibangang nangyayari sa ating bansa ay nagpapasalamat ako kay manny at di sya naapektohan ng mga katangahan ng mga namumuno sa atin. pero pansin din natin na ang trainer ni manny ay isang kano. kailangan pa natin si freddie roach - isang kano (puti) upang magkaroon ng isang tunay na kampyon.

madami pa tayong magagaling na boxers kung ang magtre-train ay gaya ni freddie roach na isang kano. so maaaring relevant pa din ang sinasabi ng 'amerika' na di natin kayang pamunuan ang ating sarili. kinakalilangan natin ng kano upang tayo ay manalo.

pero kalimutan muna natin ang mga bad trip at tutukan natin mamaya ang laban ni manny. ngayon pa lamang ay ninenerbyos na ako. manonood kami kina ate lydia sa fremont. $44.00 ang subscription sa hbo. magba-barbeque ako ng sale na manok (from safeway). 69 cents a pound lamang. binabad ko na kagabi sa mama sita's bbque sauce. ito yata ang superbowl ng mga pinoy.

nawa'y palarin tayong ma-inspire ngayong gabi. go manny!!!

Wednesday, January 18, 2006

Graveyard

i was at the tattoo shop yesterday. billy asked me to draw a tattoo design for bob. billy is ariel's partner in the tattoo shop. billy is also teaching me body art. he asked me to draw a scary graveyard scene. here is the result. robert said it's too detailed.







Saturday, January 14, 2006

My First TIme With The Webcam

millette bought ourselves an isight for christmas. we set it up 2 weeks ago and the camera caught me doing this. i better be careful next time.

Thursday, January 12, 2006

Just This Morning




Not So Jolly Insect

After the exhibit, we went straight to Jollibee in Union City. We ordered our favorite Chickenjoy and spaghetti. It's late in the evening so the order came quick. Millette was very pleased because she was very hungry. If the order came a bit late, she would probably throw tantrums just like Miro. So that was a good thing. Suddenly while we were eating, this insect dove into my greasy styrofoam plate. The scene looked like Rizal's story about the "gamo-gamo" but in a modern setting. The insect was attracted by the reflection of the grease on my styrofoam plate.







Carlos Villa at Fort Mason

we went to carlos villa's opening at the fort mason in sf. got lost driving in sf then got lost again inside the fort.

we attended to support carlos but once we were there. i don't think he needed any. it was packed with people and miro's stroller had a hard time squeezing in. my loose group of artists met. we were planning to exhibit at the bindlestiff in march or may i think. we talked a bit about it then just look at the art and took pictures.

i noticed 98 percent of carlos' audience were white. we were the only pinoys there and 2 of them are his students.

carlos introduced me to a lady who's santi's niece. she told me mutya was around town. i wanted to meet her also. i already met lille at pusod. this lady (i forgot her name) just finished a film about aswangs in siquijor. we talked about aswangs because i knew people in quezon who they say were aswangs. me and she were not sure if aswangs exist or not.

i've been wanting to art talk with carlos but somehow i know there's nothing to talk about. and besides i know carlos is always busy. but i still want to art talk with him anyway.

we went to eat at jollibee in union city after this.