sa panaon, unisan, quezon ako lumaki at isa si poling o apol sa mga una kong kalaro. abot kami with some other friends sa lahat ng sulok ng gubat ng panaon sa paglalaro ng baril-barilan, estukadahan at kung anu-ano pa. hindi si poling artist pero sa tingin ko ay nagbigay sya sa akin ng di pangkaraniwang takbo ng pagi-isip.
una akong namangha sa kanya ng lumambitin sya sa isang sanga ng mangga sa likuran ng bahay namin at nag loop sya ng 360 degrees sabay talon una ang paa sa lupa. nanlaki ang mata ko noon sa pagkamangha. grade 1 pa lang kami noon. 7 years old sya ako ay six. agad kong tinawag ang iba pa naming tropa para ipakita ang di pangkaraniwang abilidad ni apol. dumating ang ilan, si jaime velasco at si nestor cabana. inulit ni apol ang kanyang ginawa kaya mula non ay myembro na kami ng fan club ni apol.
madami pang mga milagrong ginagawa si apol. madalas syang manalo sa kara y cruz at iba pang sugal. sa kaha, libo-libong lastiko na nakabalabal sa leeg nya pagka panalo. wow. buntot lagi kay apol ang mga bata. kasama ako dun. pero madalas ay di tumatagal ng ilang oras ay ubos na muli ang kanyang napanalunan. natalo nang muli.
alam nyo sa ‘hood’ namin ay walang batas. natural law laang ang nage-exist sa amin. kung mang-apid ka ay natural laang na may mang-a-apid rin sa ‘yo. isang barrio ang panaon na malayo sa bayan. sa bayan ng unisan may pulis pero sa barrio namin ay alaws kaya kahit seven years old ka ay pwede kang magsugal. ang ‘respect’ sa panaon ay nae-earn dipende sa pagkatao mo. tinawag kong ‘hood’ ang barrio namin dahil sa mga namamalas kong kwento ngayon tungkol sa kultura ng hip hop. di nalalayo ang buhay sa baryo namin. madami akong tropa na maitutumbas ang kilos, kaugalian at buhay kina snoop dog, 50 cent at iba pa. natatawa nga ako minsan dahil nakikita ko ang tropa ko sa kanila. parallel kung baga.
malaking lungkot ko nang mabalitaan kong nag istokwa si poling. kung di ako nagkakamali ay grade six kami nang maglayas yang si apol. taon ang binilang bago kami magkita muli. madami syang mabubulaklak na kwento tungkol sa kanyang paglalayas. napaka alien sa akin n’yang maglayas at sa murang edad ay ginawa na nya ito. matindi! - yan ang tingin ko. hanggang sa mag-binata kami ay best friend ko si apol. walang araw tuwing bakasyon na hindi kami naka tambay sa bahay nilang barong-barong sa tapat namin. tuwing gabi ay syempre - isang ipit na lambanog ang tinutumba namin kahit sipol lang ang pulutan.
lumilipas ang panahon ay tuloy ang rak en rol namin. hindi nagbabago ang style ni apol. malapit sya sa dark side. never syang nag drugs sa kabila ng kung anu-anong tinitira namin. downers, uppers, alcohol. titirahin namin kung anong mahagilap. ang pagkalapit nya sa dark side ay naiiba. mas serious kumbaga. ang ambisyon nya ay magtayo ng organized crime organization. kita ko ang mga plano nya dahil nang kami’y mga binata ay nagre-recruit na sya ng mga loyalists na mga bagets na pabuntot-buntot sa amin. kasama namin ang mga batang ito kahit saan kami magpunta. sa beach, sa ligawan, sa inuman at iba pa. ginagawa namin silang taga takbo o errand runners. masaya na ang mga batang makasama kami dahil lahat ng chibog namin ay chibog din nila.
isa sa madaming mga main events sa buhay ni apol ay nang sya ay ma-bust sa kasong armed robbery, carnap at frustrated homicide. nagtrabaho sya sa isang businessman sa maynila. sa madaling salita ay inakyat-bahay nya kasama ang ilang di ko kilalang kalalakihan ang pinagtratrabahuhan nya. inside job ang sabi ng mga parak.
ilang beses ko na ding pinayuhan si apol na kung papasok sya sa mga gawaing ganyan ay piliin na nya ang side ng gobyerno. ayaw nya. sa tingin ko ay hindi sya mali dahil sa nakikita ko sa ngayon ay di mo na malaman kung sino talaga ang mga gangsters - pulis ba o sibilyan. obvious na mga pulis din ang nagpapatakbo ng mga sindikato.
hindi natuloy ang pagpaslang nila sa nilooban nila sa di ko alam na dahilan. nagkagulo ang plano ng grupo nya at nagkahiwalay.
una nya akong tinawagan noon upang ibenta ang sasakyang kinarnap nila. ala naman akong idea sa mga pangyayari at isa pa ay wala naman akong pambili kaya tinawagan nya ang isang tropa pa namin. ngunit di naglaon ay nabasyo sya sa di ko na din matandaang dahilan.
isang buwan syang nakapiit sa quezon city jail sa may kamuning. dusa ang mga magulang ni apol. napabenta tuloy ang kanilang barong-barong para sa pyansa. ilang beses ko din dinalaw si apol sa loob ng kulungan. isang beses pa ay muntik na akong di makalabas dahil sa katangahan ko. nalimutan kong may nakasingit nga pala sa wallet kong dalawang joints ng damo. maalala ko ay nasa may check point na kami sa may pintuan ng kalabusan. ang tanga ko sa loob-loobin ko. mabuti na laang dahil siguro sa muka kong inosente at hindi na chinek ng bantay ang wallet ko. siyet!
malaki ang nagagawa ng dalaw kay apol dahil malalaman ng mga les-pu na may kapamilya ang inmate at isang dahilan ito para di ka ma salvage. uso kasi ang salvage noon.
nakalabas din si apol after 1 month dahil nga sa pyansa ngunit tuloy ang kaso. hindi rin naglaon ay nawala ang kaso dahil hindi na sumusipot ang nagsampa nito sa trials. hindi nagbago si apol bagkus ay parang nagkaroon pa sya ng badge dahil sa karanasan nyang ito. na people’s journal pa sila at pinakita sa tv patrol ang nangyari.
sa kabila ng lahat ay masaya pa din kasama si apol. tawanan at kulitan pa din pag nagsasama-sama kami. madaming nagpapayo sa akin na iwasan ko sya pero paano ka iiwas sa tao na anim na taon pa laang kayo ay kasama mo na.
sikat ang apol nang umuwi ng panaon. alam ng lahat ang nangyari. na-earn ni apol ang respect na matagal na nyang hinahanap. nagkaroon sya ng notoriety dahil sa kanyang dinanas.
ang gulo sa panaon ay madalas ay family feud. ubusan ng lahi kumbaga na very common sa lahat ng sulok ng pilipinas at sa tingin ko’y hindi lang. ilang pamilya ang involved sa away na ito. ang pinakang siga ay siyang namumuno sa dahilang sya ang pinaka madaming napatay at siya ang may kayang lumantad ng harapan. di sya nagtatago bagkus ay sya ang sumusugod. mang taling ang pangalan nya. kung di ako nagkakamali ay apat ang naitumba nya at ang isa ay pinsan pa nya.
napatay si mang taling sa estasyon ng tren sa lucena. binaril sya ng shotgun sa likod. ang pumatay sa kanya ay isang ding taga panaon na nakaaway ng anak ni mang taling tungkol sa utang sa sabong. kulambo kung sya’y tawagin. tinaga ni zaldy (anak ni mang taling) si kulambo ngunit di napuruhan. ilang beses sinubukang patayin ni mang taling si kulambo ngunit merong sa palos si kulambo. nangyari nga ang kanyang kinatatakutan ng matiempohan sya ni kulambo sa estasyon ng tren sa lucena. isang bala ng shotgun ang sumabog sa kanyang dibdib at si kulambo ang may kagagawan nito.
dito pumasok ang apol sa kwento. tropa namin si zaldy na anak ni mang taling. nagkaron ng conspiracy ang apol at zaldy para mahuli ang kulambo. nag ennact ng fake na away ang dalawa. may sugat pa kunyari ang apol sa kamay sa pagsangga ng itak-itakan ni zaldy. sa mata ng mga mamamayan ay invovled na ang apol sa family feud at nasa side sya ni kulambo.
kinupkop ng kulambo si apol sa kanyang hideout sa pasig sa buong akala na nagtatago si apol sa mga naiwang pamilya ni mang taling. alang kamalay-malay ang kulambo sa conspiracy against him. timbog ang kulambo ng pulis ng pasig ng maisuplong sya ni apol. natransfer si kulambo sa lucena city jail kung saan sya nag serve ng sintensya. nabalitaan naming nakatakas sya ngunit ibang kwento na ito.
kudos nanaman ang tinanggap ng apol sa kanyang ginawa. lahat kami ay sangayon na di muna dapat umuwi ng panaon si apol. ngunit sa di ko alam na dahilan ay nagpakita pa din sya sa probinsya namin. nais nya sigurong malasap ang tagumpay ng kanyang ginawa kaya sya bumalik.
di eto na... inuman sa tapat ng riles sa may train station ng panaon. alex parafina. isa ding tropa ngunit kakampi ng kalabang pamilya ng taling.
kaharap ang apol sa inuman kasama ang isa pang best friend namin na nagngangalang nono. si nono ay isang napaka loyal na kaibigan ng apol. he’s apol’s right hand man. madami ding kwento ang buhay ni nono pero sobrang haba kaya sa susunod na laang.
walang nagawa ang nono ng biglang sumulpot ang alex parafina dala ang patalim sabay tusok sa may kaliwang kili-kili ni apol. tumama ang patalim sa kaliwang braso ni apol. tumagos ito hanggang kili-kili, sa dibdib abot sa may puso. dumampot ng bato ang nono dahil ala syang dala. binato nya ang alex ngunit alang epekto ito. hindi nasapol ang puso ni apol ngunit nagkaroon ng hemorage sa kapabayaan ng mga doktor sa isang ospital sa lucena. dala ito ng kahirapan. di ka aasikasuhin masyado sa ospital kung alam nilang wala kang pambayad. tinawagan ako ng pamilya ni apol upang magpatulong mapa-transfer sa mas mabuting ospital ngunit huli na ang lahat. pumanaw si apol after 3 days sa ospital.
24 years old sya nang bawian ng buhay. di ko malaman ang pakiramdam ko noon. lito, galit, excitement, nerbyos... halo-halo. alam kong napaka inosente ko noon ngunit nawala after mangyari ito. natuklasan ko at ng ibang tropa kung gaano kaseryoso ang kanyang ginawa. sa murang edad ay napakadaming nangyari. fast lane ang linya ni apol. di sya humihinto hanggang sa huling hininga. sa burol at libing na lang kami nagkita ni apol. kausong ako sa kanyang kabaong habang dinadala patungong sementeryo. blangko ang isip ko noon.
maganda din in a way na maaga syang umalis dahil kung hindi ay malamang na damay ako sa lahat pang mga papasukan ni apol. paano mo ba naman iiwasan ang taong kalaro mo ng mga bata pa kayo, kabarkada ng mga binata kayo at kasama mo sa lahat ng mga kalokohan dala ng isip n’yong bata? para sa akin ay maikukumpara ang buhay ni apol kina hendrix, james dean at iba pang kagaya nila. better to burn out than to fade away ika nga.
3 comments:
marami din akong nakasalamuhang "halang" sa aking kabataan. di malayong mangyari.. dahil ang nilakihang lugar ko'y mismong istasyon ng tren na mulang kabataa't pagbibinata'y si Ama ang ticket agent ng terminal hanggang sa ginawa siyang inspector sa tren at duon siya namatay sa bagon ng tren nang na-stroke, nagka-brain hemorrage at pumanaw less than 18 hours sa hospital ng Roxas City nuong 1972. marami silang mga apol sa buhay ko. iba-iba ang kanilang mga kasaysayan.. ngunit parepareho din ang katapusan. sa kabila ng lahat, saludo pa rin ako.. dahil ang mga pagkakamali nila'y itinuwid ko sa sarili ko.. ang pakikisama nila't pakikigkapwa'y di ko maranas-ranasang muli sa mga bagong lipunang ginagalawan ko ngayon. sila'y iba. at kaiba. walang kapantay. hayaan mo, mel.. at ikuwento rin kita.
spin-a-win ed. salamat!!!
Post a Comment