Search This Blog

Tuesday, May 09, 2006

Alay Kay Nanay



hay naku. kung pag-uusapan natin ang tungkol kay inang ay madaming kwento at napaka kulay.

leonila castro po ang ngalan ng nanay ko. 78 years old. lumaki sya nung panahon ng hapon. tumira sila sa tubas, quezon. ang tubas po ay isang liblib na lugar about 6 miles from unisan, quezon sa bundok peninsula. noong 40's ay napaka rangya sa puno at wild animals ng lugar na ito. maswerte si nanay dahil nadanasan nya ang buhay na walang elektrisidad, walang running water... sa madaling salita po ay parang buhay tarzan. puno ang kwento nya ng tungkol sa mga baboy damo, wild deers, mga naglipanang unggoy sa paligid na hina-hunt para kainin. sa discovery channel ko na lang nakikita ang mga ito. natatawa nga ako dahil minsang may pinalabas sa discovery channel tungkol sa isang tribo sa south america. nagha-harvest sila ng some kind of tree trunk na ginagawa nilang parang harina para ma-bake at kainin. alam ni inang ang pangalan ng kahoy na pinanggagalingan at ginagawa din daw nila ito noon. uraro daw kung tawagin nila. a kind of palm tree.



hindi naabot ng hapon ang tubas dahil ito'y masyadong liblib para sa kanila kaya safe sila ermat sa tubas.

bago ang tag hapon ay valedictorian si ermat sa local school at madalas syang mapalaban sa mga regional school contests.

typical cinderella story po si ermat dahil after the war ay napangasawa nya ang anak ng pinakamayamang pamilya sa lugar namin. si erpat po yun. madalas namin syang biruin na gold digger ngunit di totoo yan dahil labintatlong supling po ang niluwal nya wid my erpat. waw! what an achievement. e si misis isang anak lang e suko na ata. hehe.

ang taguya naman kay erpat ay sa tinagal-tagal daw namalengke ay tinapa dn pala ang makukuha. masakit ang taguyang ito para kay ermat ngunit alam nya na madami lang naiinggit sa kanya.

artistic po ang family ng ermat ko. mga tiyuhin ko ay pulos musicians at comedians. siguro dyan ko nakuha ang pagka mabiro ko.

alam ko ang nakita ni erpat kay ermat. bukod sa maganda sya ay matalino, matapang at mababait ang mga ka-pamilya. napansin ko po yan kay erpat. ayaw nya sa mga pamilyang mandarambong. di nya pinahahalata ang diskriminasyon nya rito pero pansin ko po ang bias nya.

walang tumbas ang utang ko kay ermat. ang kabayaran nito sa tingin ko ay ang magpalaki rin ng bata gaya ni miro pero kung napansin nyo ang letrato sa taas ay sya pa din madalas ang nag-aalaga kay miro. wala na akong lusot.



yumao na si erpat kaya si ermat ang pinuno ng pamilya namin. kung tawagin namin sya ay 'the matriarch' o 5-star general. sya ang konsensya ng pamilya. madalas rin syang magbigay ng matatalas na opinyon pero pag binalanse natin ay masasabing nasa tama sya lagi. opo napaka balanse ng kanyang isip at oras na mag desisyon sya ay nakakasiguradong sa ikabubuti.

si ermat ang sentro namin. labingtatlo kami lahat at super close kami. syempre kasama din dyan ang inlaws at mga pamangkin at apo. sya ang nagbigay ng pundasyon ng isip sa aming magkakapatid. madalang sa obserbasyon ko ang pamilyang magkakasundo. well... exception kami dyan. all for one and one for all po kami kahit ang lalayo ng mga personalidad namin. siguro ang pagkaka iba-iba ng ng personalities namin ang nagpapayabong sa aming samahan so maiimagine nyo kung paano kami harapin ni ermat.

so ang section pong ito ay iniaalay ko sa aking ina. homage kumbaga. salamat nay!

2 comments:

Toto Ed said...

mel, mahalaga ang papel ng INA sa buhay natin at yan ang tunay na ugnayang walang kaparis at walang kapalit. kung tutuusin.. kadalasa'y silang mga babae sa buhay natin would only fail in comparison to our Moms..
but what do you care? sila yung kasama natin sa kama.. hehehe.. ibang klaseng relasyon naman na kung saa'y duon sila kampiyon!

MVC said...

hahaha. nakakalito ka ed!