Search This Blog
Wednesday, April 26, 2006
Heber Bartolome's Exhibit
si ka heber po ay nakilala ko thru banggaan. yahoo group ito ng mga pinoy artists all around the globe. madami pa akong kwento tungkol sa banggaan pero saka na lang dahil mahigit isang nobela kung ikwe-kwento ko lahat. sa madaling salita ay pinaunlakan ni ka heber ang lolo nyo na mag contribute ng isang tula upang basahin sa opening ng kanyang show. madami kaming pinaunlakan nya.
kung pinoy ka at di mo kilala si heber bartolome ay either ikaw ay bata pa o kung matanda ka naman (baby boomer) ay super sosyal mo o elite ka o kaya naman ay nagpapanggap ka lang na di mo sya kilala dahil feeling elite ka. kung ikaw naman ay maka amerikano kaya di mo sya kilala ay ikukumpara ko si heber katumbas ng mga idol mong kano. pinaghalo syang peter paul and mary, bob dylan at crosby, stills, nash and young. pinakasikat nyang komposisyon ang 'tayo'y mga pinoy.'
matagal akong tumambay sa baryo at mga kanta nya ang madalas kinakanta namin kaya naman nang makilala ko sya sa banggaan ay binigyan ko agad sya ng tribute portrait plus isang karikatura.
kasama din si pepe da hepe nag perform sa opening ni ka heber. madami pang mga tanyag na artists/poets nag perform pero di ko na sasabihin kung sinu-sino.
narito ang tula na pinadala ko. tamang tama po dahil ang bumasa ng aking tula ay ang idol ko ding si jose tence ruiz (according to ka heber). eto naman ang ilang links na sinulat nina jim ayson at fats lasay (ng banggaan din).
http://www.korakora.org/wordpress/?p=45
http://www.philmusic.com/blog/index.php?p=184
PINTURANG PULA
kasama ng mga tambay
kaharap namin ay tagay
kantahan sa kanto
utot ng dila’y awit mo
inihain ng mahal kong nanay
almusal n’yang masarap na tunay
tapsilog na sinubo ng kamay
limot ang masasamang bagay
di biro ang pagsakay ng bus
para kang may pasan na krus
sumakay man ako sa ibang agos
awit mo sa puso ko’y tagos
awitin mong sumasabay
sa diwa kong naglalakbay
wika ng ilong na pango
huwag akong magpapa-pako
pinoy akong sumasakay
si nena ay aking ka-akbay
napasuot sa salimu-ot
kanta mo ang s’yang humugot
sa laban ng aking barangay
tanglaw mo’y laging taglay
ang sugo ni putla, ‘yan ay babala
huwag ma-aya sa maapoy nya’ng dila
laganap ang mga asong ulol
sila’y ngumingiyaw, di kumakahol
taliwas na landas mag-ingat sa ahas
pag inabot ng malas, wala nang lunas
kulay ng pintura tawagin mang pula
dinemonyo ni mama dahil sa takot n’ya
ang magpapalaya sa mga madadaya
ay matapat na dila, yan ang tunay na biyaya
bow.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment