narito ng sagot ko sa liham ng inaanak ko. natanggap ko last week ang sulat na ito mula kay mary ann. anak ni pareng ding na di ko alam na inaanak ko pala. nalaman ko dahil sa liham na ito. narito...
kumusta mary ann. ang laki mo na. kumusta si diding? alam mo ay mauubos ang papel na ito kung ikukwento ko lahat sa yo ang pinagsamahan namin ng tatay mo. isa syang tapat at tunay na kaibigan at ikinagagalak kong maging ninong mo. pakiabot na lang sa kanya ang aking pagbati at sana maliban sa walang trabaho ay nasa mabuti rin kayong kalagayan.
ako sa ngayon ay wala ding trabaho. magi-isang taon na akong laid-off pero sa abot ng aking makakaya ay ikakagalak kong makatulong sa yo. di mo isinalaysay ang halagang kailangan mo kaya wala akong idea kung gaano kalaki ang iyong kailangan. isa pang problema ay di ko pwedeng ilakip sa sulat na ito ang pera dahil baka mawala.
kung makakatawag ka sa numerong ito 681-5760 ay magagawan natin ito ng paraan. numero ito ng bahay namin sa maynila. hanapin mo si kuya jess o kaya si ate florence. ipapasabi ko na ang dahilan at paki paalala na lang sa kanila.
kung makakapag-iwan ka ng cell phone number ay maganda rin para makontak ko kayo ng derecho.
di ko maiipangako na kakayanin ko ang halagang kailangan mo pero sana’y sapat.
musta na lang sa kumpare ko, sa kumare at sa iyong mga kapatid. sana magkita tayo at ulit kami ni diding pag umuwi kami. narito ang ilang letrato namin ni diding at ang pamilya ko. - millette ang pangalan ng misis ko at miro naman ang anak namin. lalaki. ninong nya sila bandong, nanding at reden. kilala ng tatay mo ang mga yan.
paki sabi sumulat din sya.
paki paalala rin... mga yumaong tropa na sina pareng noy, si osbourn o usi, si bokyo, at dennis black.
No comments:
Post a Comment