Search This Blog
Wednesday, January 25, 2006
Legend On My Tshirt
alam nyo ay matagal ko nang idol ang juan dela cruz band. kombinasyon sila ng black sabbath at led zep pero ginawa nilang pinoy. di ko inabot nang unang magkakasama sila pero nang magkaisip ako ay una silang pumasok sa aking consciousness.
mabigat ang bagsakan ng bandang ito at sa aking puso ay kabilang sila sa mga sinasamba nating banda gaya ng stones at yun nga, led zepellin. peyborit ko si pepe pero syempre di pahuhuli si wally gonzales. masasabi kong napaka tamis ng mga melodies ng kanyang gibson guitar.
nang ilabas nya ang kanyang solo album ay napanganga ako sa wally’s blues. waw kako! dinala ako sa ulap ng komposisyon nyang ito. tumatak sa isip ko ang kanta at hanggang ngayon ay all time favorite ko ang wally’s blues. ito ang isa sa dahilan kung bakit dumampot din ako ng gitara at ginawang hobby ito. kaya naman po laking tuwa ko ng suotin ni wally ang isa sa mga hand painted shirts ko.
nasa australia po si wally with paolo santos kung saan meron silang gig. nagkataon naman na malaki kay edd aragon (http://edd-aragon.com/) ang inorder n’yang tshirt sa akin. ka-member ko po si edd sa banggaan. si edd po ay isang batikang dibuhista sa sydney. sa kanya rin po ang mga paintings sa background. isa po si edd sa nag-asikaso kay wally sa australia.
according to edd, nang makita ni wally gonzales ang tshirt ay nagustuhan nya ito kaya minabuti ni edd na ibigay na lang ang t-shirt kay wally. the t-shirt might be worthy but not me. haha.
nag cross na rin po ang landas namin ni wally. nalungkot ako nang matagal syang nawala sa scene kaya naman ng umuwi ako at nabalitaan kong nagbalik na si wally ay agad akong dumalo sa gig nya. nagsabi ako sa waiter kung saan sya tutugtog kung pwedeng kunan ng bidjo si wally. di raw pwede sabi ng waiter kaya laking gulat ko nang si wally mismo ang lumapit sa akin at pinayagan akong kunan sya ng bidjo. nakatabi po ang film ko ng wally’s blues - live! salamat wally. at edd :-)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
ayaw nang labhan ni wally, baka raw mabura:)
Post a Comment