Search This Blog
Monday, February 26, 2007
TORORISTA
i overheard this word between two pinoys talking and mocking each other. the guy told the other (in tagalog), 'no you're not a terorista, but a tororista.' haha. i found that really funny so i used it for my painting.
everybody now knows about the label 'terorista' or terrorist and all filipinos know about the word tororista. for those who don't, 'toro' is how we call a couple fucking each other on a stage in front of people for entertainment. this is illegal but you can still find people who perform this all over manila.
i used the cruxifiction and transformed it into a bald eagle. i also used the vienna sausage box because this is one of the staple 'colonial' food in the philippines. i just want to express how easy they fuck people's minds. if you can't get this you might be one of those people who got TOROrized.
medium: serigraph and acrylic on vienna sausage box.
Saturday, February 17, 2007
The F.O.B. four
nagkita-kita kami ng grupo last saturday sa bahay ni england sa oakland. meron kaming art exhibit na pinapakana na kinu-curate ni lian ladia. alam n'yo kasi ang statement naming mga pintor ay ang aming mga paintings na. kaya nagtataka ako kung bakit hinihingan pa kami ng statement ng mga galleries.
kung hihingan ako ng statement e ba't pa ako nagpinta. kaya nga ako nagpinta ay para nga iwasan ang mga pambobola. yun na ang statement ko. pero naiintindihan ko naman yan. nais ko lamang idiin ang point.
handicap naming mga artis yang magsulat lalu na kaming mga FOBs. di tayo masyadong magaling mag rambol ng mga salitang ingles. if a picture is worth a thousand words, how can you explain a painting in a few sentences? ang isang piyesa ko ay nanggaling sa kaibuturan ng aking diwa at karanasan tapos papa explain nila sa isang paragraph? that's bull. imposible. pero alam ko ganun talaga ang buhay lalo na dito sa america. madaming bullshitan kaya kailangang sumakay lang.
yan ang dahilan kung bakit di namin mai-curate ang sarili. ayaw ko ng bullshit. gusto ko aksyon na. wala akong panahon sa paligoy-ligoy. maiksi lang ang buhay boys en gels kaya wag nating sayangin ang oras sa bulshet. maaring kung sa tagalog gagawin ay mas mae-express ko ang sarili pero hindi kaya pasalamat ako kay lian sa abala. tenks lian!
the F.O.B. four:
england hidalgo - john lennon
mel vera cruz - george harisson
carlo ricafort - paul mcartney
marcius noceda - ringo starr
haha. katuwaan lang.
but we're serious. meron kaming website. eto:
http://www.sitekreator.com/curatorialprojects/main_page.html
kung hihingan ako ng statement e ba't pa ako nagpinta. kaya nga ako nagpinta ay para nga iwasan ang mga pambobola. yun na ang statement ko. pero naiintindihan ko naman yan. nais ko lamang idiin ang point.
handicap naming mga artis yang magsulat lalu na kaming mga FOBs. di tayo masyadong magaling mag rambol ng mga salitang ingles. if a picture is worth a thousand words, how can you explain a painting in a few sentences? ang isang piyesa ko ay nanggaling sa kaibuturan ng aking diwa at karanasan tapos papa explain nila sa isang paragraph? that's bull. imposible. pero alam ko ganun talaga ang buhay lalo na dito sa america. madaming bullshitan kaya kailangang sumakay lang.
yan ang dahilan kung bakit di namin mai-curate ang sarili. ayaw ko ng bullshit. gusto ko aksyon na. wala akong panahon sa paligoy-ligoy. maiksi lang ang buhay boys en gels kaya wag nating sayangin ang oras sa bulshet. maaring kung sa tagalog gagawin ay mas mae-express ko ang sarili pero hindi kaya pasalamat ako kay lian sa abala. tenks lian!
the F.O.B. four:
england hidalgo - john lennon
mel vera cruz - george harisson
carlo ricafort - paul mcartney
marcius noceda - ringo starr
haha. katuwaan lang.
but we're serious. meron kaming website. eto:
http://www.sitekreator.com/curatorialprojects/main_page.html
Monday, February 05, 2007
Buhay Artista
Ngayon lang ako ginanahang magkwento muli. Mahirap kasi dahil ang bilis nang tumakbo nitong aking si miro. Laging naghahabol ang lolo nyo. Syempre, sa tulong yan ng aking si Millette.
Madami nang nangyari mula nang gawin ko ang last supper. Nakadalawang attend ako ng tattoo expos kung saan ako at si Dave nag-design ng mga tatu para kina ariel cruz at darius ng cruz creations at da underground tattoo ng san jose california. Sa buong california po ay tatlo lamang silang pinoy tattoo shops na naga-attend ng mga tattoo expos.
Isa po sa di ko na mention ay si monk ng san jose din. Syempre sasabihin nyo ang ‘apat na alon’ pero di ko sila nakita sa mga tattoo conventions. Maaring nagsawa na sila sa mga ganito. Ang apat na alon po ang madalas kong mabasa sa mga tattoo magazines. Ni-revive nila ang traditional tattoo art ng pilipinas na masasabing isa sa mga pioneers ng tattooing. San diego, pomona, L.A. at san francisco ang rotation ng inaatenan kong expo. 6 times a year nangyayari ang rotation na ito.
Isa pang kwento ay ang pag-alok sa akin ni oscar penaranda upang magsalita at mag present ng aking sining sa harap ng kanyang tinuturuang pilipino class sa logan high school (union city) at ang aking participation sa book launch ng ilang filam writers sa paddy’s dito rin sa union city. Lugod kong pinaunlakan ang alok galing kay Oscar P. syempre ay kinatutuwa ko ding makasama ang mga pinoy-amerikans na manunulat. Sina Tony Robles, Sam Cacas, Janet Stickmon, Vangie Buell, Everly Posh at syempre si Oscar P. Madalas po kasing hindi nalalayo ang aming mga sentimyento.
Malaking pasalamat ko kay Oscar dahil binibigyan nya ako ng daan upang maipakita sa nakararami ang aking mga piyesa at alam kong hindi lamang ako ang nabibigyan nya ng pabuya. Isa si oscar sa mga orihinal na ‘manong’ na nagpapalawak sa kaisipan ng mga kano tungkol sa kalagayan nating mga pinoy sa amerika. Salamat sa yo Oscar P.
Galak akong nagpabuya ng aking mga ideas sa mga nakababatang estudyante ni oscar. Isang malaking karangalan para sa akin ang makapagbahagi ng kuro-kuro sa mga nakababata at sana ay nakita din nila ang ibig sabihin ng isang taong nagsasabi lamang ng katotohanan. As usual ay sinasabi ko ang totoo kong nararamdaman kabilang dito ang pagtanong sa akin ng isang estudyante kung humihitit daw ako habang nagpipinta.
Malugod kong inamin na ‘oo’ sa dahilan pong hindi negatibo ang tingin ko dyan. ang mga nagbabawal sa halamang ito ay hindi naiintindihan ang tama nito. Out of fear ang kanilang basehan samantalang ako ay based on my experience. Wala tayong dapat ikatakot dito. Sa hirap ng buhay, lahat ng tao ay kailangang ma-high paminsan-minsan. Pero bago ko tuluyang gamitin ang salitang ‘high’ ay gusto ko lamang liwanagin sa lahat na sa paningin ko ay tayo ay meron nang kanya-kanyang klase ng high. Ang tama ng kape ay isang uri ng ‘high.’ Ganon din ang tama ng alcohol na sa tingin ko ay mas dapat na bawal kundi nga lamang lahat halos ng opisyal na nagpapatakbo ng gobyerno ay one way or another ay tumutungga rin kaya di ito maipagbawal. kaya sana po ay hwag nating i-relate ang salitang high sa mga basagulero dahil baka we’re pointing at our own.
Nais ko lamang paabot sa kanila ang karanasan ng high na ito upang makakonek tayo sa naiibang antas at di na lamang puro trabaho at retirement o mundo ng dog-eat-dog ang iniisip natin. Sa paningin ko ay kailangan nating magkaroon ng alternatibong pananaw sa mga bagay-bagay at ang paghitit ay daan patungo rito. Meron po kasing mga bagay napansin ko na kung nakahitit ka lamang saka maiisip. Peaceful ang isip sa damo di gaya sa alak na war-freak. Kaya marahil hindi natatapos ang hidwaan sa mundo ay kulang sa alternatibong pananaw. Masasabi kong addictive din ang damo pero gaya din ng masarap na pagkain ay addicting at dapat ding kontrolin dahil lahat ng sobra ay masama. Pasensya na sa di nakakahagip dahil di po nanggaling sa libro ang aking paniniwala kundi’y nanggaling sa kaibuturan ng aking budhi. Nais ko lamang buksan ang nakapinid nitong pintuan.
Mabalik tayo sa mga tattoo. Lakas-loob kong tinahak ang landas na ito dahil ang daan nito ay sadyang lumatag sa harap ko ng hindi ko hinahanap. Yan kasi ang palatandaan para sa akin. Inambisyon kong matutunan ito ngunit hindi pala ganon kadali. Ang pagdrowing sa papel kumpara sa balat ng tao ay totally different entity.
Malaki ang kaibahan kaya sa ngayon ay I’m taking baby steps at a time ‘ika nga. Mahirap po dahil ayaw kong mag mess-up ng balat ng kung sino man. Idinadaan ko muna sa pag-create ng mga flash. Yan kasi ang natural na daan bago mag-umpisang gumuhit sa balat. Syempre pag umuwi ako ng Quezon ay papipilahin natin ang mga homeboys upang mapagpraktisan. Haha, don’t worry dahil gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang di ako mapahiya sa mga tropa.
Enjoy din ako sa mga tattoo expos dahil bukod sa napakagandang sining at training nito sa drawing ay masaya at puro koboy ang mga kasama ko. Maaring mahusgahan sila dahil puno ng tattoo pero okey sila lahat. Minsan nga ay mas madadama mo pa sa kanila ang sincerity kesa sa taong walang tattoo. Ang tattoo kasi ay na-label din gaya nating mga pinoy. Ang tingin sa mga pinoy ng nakadadami sa europa ay maid o katulong. Sa taong may tattoo naman, para bang ‘gangster’ agad ang turing pag nakita nilang may tattoo ka. Di na ‘totally’ totoo ngayon yan. Baka mga 30% na lang. Yung tungkol sa pinoy, di ko alam ang percentage.
More pictures…
Subscribe to:
Posts (Atom)